Nagising si NIco sa liwanag na tumatama sa kanyang mga mata. Pagmulat niya ay wala na siya sa ER. Wala na rin si Rich sa tabi niya, ang pumalit na ay si Sam.
"Good morning sleeping beauty." nakangiting bati ni Sam na nakatayo sa may paanan ng kama.
"What are you doing here?" tanong ni NIco na panay ang lingon sa buong kwarto.
"Grabe! Wala man lang thank you?" nakangiti pa ring sagot ni Sam.
"How did you know I'm here?" muling tanong ni Nico sabay akmang tatayo.
"Whoa tiger! Bago ka tumayo dyan, she's not here anymore. She left when I arrived." abot-tenga ang ngiti ni Sam.
"Ano bang sinasabi mo? Gusto ko lang sana ng tubig." katwiran ni Nico na biglang namula ang tenga.
"Style mo bulok! Ibinilin nga pala niyang kumain ka daw at may mga iinumin kang gamot."
"Asan ang pagkain?" sagot ni Nico.
"Wow! Godd boy?" muling pang-aalaska ni Sam sabay tawa ng malakas. Tiningnan lang niya ng masama si Sam na lalo namang ikinatawa ng huli.
Bandang lunch time dumaan ang attending physician ni Nico. Sinabing pwede na siyang marelease sa araw na yun pero hindi pa siya pwedeng bumalik sa trabaho dahil malalim ang naging sugat ng kanyang kamay.
"So what are your plans?" seryosong tanong ni Sam.
"Well, kailangan kong umuwi sa bahay. I'll be needing Manang's help. I won't be able to drive as well, so malamang mag-taxi na lang ako." sagot ni Nico habang naglalakad silang palabas ng ospital.
"Eh kailan mo naman balak mag-file ng leave sa trabaho?" tanong ni Sam ng nasa sasakyan na sila.
"Bukas siguro." sagot ni Nico.
"Need me to drive you there?"
"No. I can manage, thank you."
inihatid lang si Nico ni Sam at umalis na din ito. He mentioned a date with someone he met online na tinawanan lang ni Nico. Talaga palang pati online dating e pinatos na ng kabarkada niya. Pagpasok ng bahay ay agad siyang sinalubong ng dati niyang yaya na ngayon ay siya ng namamahala ng kanilang household. Nagkamustahan lang sila saglit at umakyat na si Nico sa kanyang kwarto.
Kahit medyo nahihirapan ay pinilit nitong magpalit ng damit mag-isa. Nang makapagpalit ay nahiga na siya sa kanyang kamay. At sa pagpikit ng kanyang mga mata ay parang muli niyang narinig ang mga sinabi ni Rich. And he realized how much he missed her. Hindi bale, bukas he'll see her again.
Kinabukasan, nag-taxi si Nico papuntang restaurant. Sinadya niyang agahan para hindi siya masyadong makaabala sa prep duties ni Rich sa kitchen. At dahil kilala na naman siya ng guard ay diretso na itong pumasok at nagtuloy sa office ni Rich.
Naabutan ni Nico na bukas ang opisina ni Rich. Sumilip siya at nakitang nakasubsib si Rich sa ibabaw ng kanyang mesa. Gusto na sana niyang tumakbo para yakapin ang dalaga pero pinigilan niya ang sarili. He needs to play his cards well. Dahan-dahan siyang pumasok ng opisina at tumayo sa harap ng mesa.
"Good morning." bati ng hindi ngumingiti na si Nico.
"Ay palaka!" sagot naman ng nagulat na si Rich.
"Where?" tanong ni Nico sabay taas ng kilay.
"Sorry, ikaw pala. Anong ginagawa mo dito? you should be resting." sagot ni Rich na agad nag-ayos ng mga nakakalat na papeles sa mesa.
"Well, I came to give you this. Gusto ko magfile ng sick leave. Andyan na yung certification ng doctor at saka yung request ko." sagot ni Nico na titig na titig kay Rich. She looks tired. Parang may isang linggo niyang hindi nakita ang dalaga at mukhang ang laki ng ipinayat nito.
"Oh! Naasikaso ko na iyan kahapon. Your friend Sam told me na you might not want to take a break from work kaya I filed it for you." sagot nang hindi tumitingin sa kanya na si Rich.
"OKay. Wala na pala kong gagawin dito. So, alis na ako." si Nico sabay talikod at lakad papunta sa pinto.
Malapit na siya sa pinto ng maramdaman niyang nakayakap ang mga braso ni Rich sa bewang niya.
"I'm sorry." bulong ng umiiyak nang si Rich.
Nang maramdaman ni Nico ang pag-iyak ng dalaga ay tinanggal niya ang pagkakayakap ng braso nito at saka humarap kay Rich.
"Hey, why are you crying?" concern na tanong ni Nico sabay pahid ng luha ni Rich gamit ang kanyang walang bendang kamay.
"I'm sorry. It's my fault kung bakit nahiwa ang mga kamay mo." sagot ng patuloy ang pag-iyak na si Rich.
"No it's not. I was careless. I thought I'm invincible. Please stop crying." sagot ni Nico sabay yakap kay Rich. He cupped the back of her head with his good hand para isandal sa dibdib niya. Deep inside he's cursing himself dahil nagdrama pa siya. If he only knew na ganito ang magiging reaction ni Rich, hindi na lang sana siya nag-inarte.
"I'm really sorry. I didn't mean to throw it. I was hurt. I thought that Valeen is your girl and your courting me. I got jealous because you're so sweet to her." patuloy na monologue ni Rich na hindi masyado naintindihan ni Nico dahil sa patuloy nitong pag-iyak at pagkakasubsob sa dibdib ng binata.
"I understand, sige na, tahan ka na please." si Nico habang patuloy na hinahaplos ang buhok ni Rich.
"Hindi ka na galit?" tanong ni Rich sabay tingin sa mga mata ni NIco.
Deep inside binatukan ni Nico ang sarili niya. He finds those tear-filled eyes, rosy cheeks Rich so sexy. And those lips na namula na sa pagkagat ni Rich dahil sa pagpipigil niyang mapahagulhol. He wats ti kiss them.
"Hindi na. Kaya tama na ang iyak, okay?" sagit ni NIco na unti-unting nalulunod sa mga mata ni Rich.
"Thank you." sabay yakap ng mahigpit ni Rich.
"I love you." sagot ni Nico sabay halik sa buhok ni Rich.
And in that moment, they both felt it. Their hearts beating as one.
BINABASA MO ANG
INFINITY
FanfictionSi Rich. Si Nico. Dalawang taong magkaiba, pero pinagtagpo ng tadhana.