Pasado alas-dos na pero gising na gising pa rin si Rich. Naririnig pa rin niya lahat ng sinabi ni Nico. Ramdam pa rin niya ang pagdampi ng labi ng binata sa kamay niya. At muli, naramdaman na naman niya ang kakaibang pintig ng puso niya. Dinaig pa nito ang pakiramdam ng nakikipagkarera sa sampung kabayo.Dahil sa mabilis na pintig ng kanyang puso ay bigla siyang nakaramdam ng uhaw. Bumangon siya at dumiretso sa dirty kitchen. Lalapit na sana siya sa ref para kumuha ng tubig nang mapansin niya ang isang lalakeng nakasubsob sa mesa. Lalapitan na niya sana ito para gisingin nang bigla itong magsalita.
"Nababaliw ka na ba Nico? Bakit mo sinabi 'yon? Are you out of your mind?! Eh kung iwasan ka nun? Ano na lang gagawin mo?! Bakit ba kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag kaharap ko na siya?!" pagsasarili ni Nico.
"Sinong kausap mo?" painosenteng tanong ni Rich.
"Ay kalabaw! Kanina ka pa ba dyan?" gulat na tanong ni Nico.
"HIndi naman, kakarating ko lang. Sinong kausap mo? May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" muling tanong ng nakangiting si Rich.
"Narinig mo ba ang sinabi ko?"
"Medyo. Magsalita ka ba namang mag-isa dyan eh. So, sino nga ang kausap mo?" nangungulit na tanong ni Rich.
"Sikreto lang 'to ha. I see dead people." bulong ni nico sanay tingin sa likod ni Rich.
"Baliw ka ah! Baliw! Bad trip 'to!" sagot ni Rich sabay pinaghahampas ang tawang tawang si Nico dahil sa biglang pamumutla ng dalaga.
"Aray naman! Ang bayolente mo." tumatawa pa ring sabi ni Nico.
"Niloloko mo kasi ako!" nakasimangot na sagot ni Rich.
"You asked me kung may nakikita akong hindi mo nakikita. Sinagot ko lang ang tanong mo."
"Ewan ko sa'yo!" sagot ni Rich sabay kuha ng baso at pitsel ng tubig sa ref.
"Galit ka na niyan?" nakangiting tanong ng nang-aasar pa ring si Nico.
Walang sagot.
"Galit ka talaga?" muling tanong ni Nico sabay hakbang papalapit sa kinatatayuan ni Rich.
Wala pa ring sagot.
"Uy! Sorry na. 'Wag ka ng magalit." parang batang sabi ni Nico habang kinukulbit ang braso ni Rich.
Wala pa ring sagot.
"Mag-usap naman tayo Richmaine. Kausapin mo naman ako."
Pero tiningnan lang siya ni Rich sabay hakbang palayo. Hindi pa siya nakakatatlong hakbang nang mahagip ni Nico ang kamay niya para pigilan siya. Pero hindi niya ito pinansin at sinubukan pa ring humakbang, kaya biglang hinawakan ni Nico ang balikat ni Rich at biglang iniharap sa kanya. Dahil sa pwersa ni Nico ay halos ilang pulgada na lang ang pagitan ng mukha nila sa isa't isa.
"I said I'm sorry. I didn't mean to pissed you off." bulong ni Nico habang nakatingin kay Rich.
"Okay." sagot ng nakatungong si Rich.
"Please look at me baby." mahinang sabi ni Nico.
Sa narinig ay napatunghay si Rich. At sa kanyang pagtunghay, sumakto ang tingin niya sa mga labi ni Nico.
"Forgive me. Bati na tayo please." muling sumamo ni Nico sabay hawak sa chin ni Rich para magtama ang kanilang mga mata.
"Okay." sagot ni Rich sabay lunok.
"Is it a sin if I want to kiss you right now?"
BINABASA MO ANG
INFINITY
FanfictionSi Rich. Si Nico. Dalawang taong magkaiba, pero pinagtagpo ng tadhana.