Chapter 10

977 96 3
                                    


Buong araw na nakakulong lang sa office niya si Rich. Dinalhan siya ng pagkain ng isa sa mga staff niya. At di niya itatanggi na disappointed siya dahil hindi si Nico ang nagdadala ng pagkain niya. Maliban kaninang umaga ay isang beses lang niya ulit nakita si Nico. Nang magtangka siyang sumilip sa kusina ay humarang sa kanya ang nakataas ang kilay na si Nico. Kaya wala siyang nagawa kundi ang bumalik ng opisina.

Ilang oras na ring sarado ang restaurant. At ilang oras na din niyang hinihintay na iluwa ng pinto ng opisina niya si Nico. Automatic na napatingin siya sa kamay niya. At automatic din na naalala niya ang paghalik ni Nico sa ulo niya, pakiramadam niya ay namula ang kanyang mukha at napahawak siya sa kanyang dibdib. Abala siya sa pag-iisip ng marinig niyang bunukas ang pinto.

"Aalis na ba tayo?" Agad na sabi ni Rich nang di tumitingin sa pinto dahil baka mapansin ni Nico ang namumula niyang mukha..

"Kapag isinama ba kita sa simbahan, sasama ka?"

"Tj?!" Gulat na sabi ni Rich sabay napatingin sa may pinto.

"You don't seem excited to see me." Nakangiting sagot ni Tj sabay halik sa pisngi ni Rich.

"Actually I thought you're someone else." Sagot ni Rich na nagulat sa paghalik ni Tj. Pasimple niyang hinawakan ang dibdib niya pero normal naman ang tibok ng puso nya.

"Pasensya na, late ako. May insikaso.." Di naituloy ni Nico ang sasabihin ng Makita si Tj sa tabi ni Rich.

"No need to pick her up. I'll bring her home. If you want, you can bring her bag with you." sabi ni Tj kay Nico sabay abot ng bag ni Rich sa binata at inalalayan si Rich palabas ng opisina.

Naiwan si Nico na parang napako sa kinatatayuan niya. Di niya inaasahan na maabutan niya ang binatang si Tj sa opisina ni Rich. Naikuyom niya ang mga palad niya ng di niya namamalayan. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis. Gusto niyang sapakin si Tj nang iabot ng binata ang bag ni Rich sa kanya. Hindi dahil sa parang iniinsulto siya nito at minamaliit, kundi dahil sa kamay ni Tj na nakahawak sa bewang ni Rich.

"Why do you keep on treating Nico like that?" Sabi ni Rich pagkasakay ni Tj sa driver's seat.

"Treating like what?" Inosenteng tanong ni Tj.

"Like he deserves to be treated that low and insulted by you."

"Making him bring your bag home is not an insult, that is his job."

"No. His job is to drive me home." Matigas na sagot ni Rich. Habang diretsong nakatingin sa daan at hindi na muli pang nagsalita.

Tahimik ang naging byahe ni Tj at Rich. Sinubukan ni Tj na magbukas ng conversation pero dead air lang ang sumalubong sa kanya. Hanggang sa marating na nila ang bahay ni Rich.

Naunang bumaba ng sasakyan si Tj para pagbuksan sana ng pinto si Rich, pero nakababa na ang dalaga.

"Thanks for the ride. Refrain from coming to my office unannounced." Sabi ni Rich bago magbukas ng pinto ng bahay nila.

"I'm sorry" Si Tj.

"Kay Nico ka dapat magsorry , hindi saken. Goodnight." Sagot ni Rich sabay pasok ng bahay nila.

Nakatungong naglalakad si Rich papunta sa kwarto niya. Naghalo-halo na ang nararamdaman niya. Pagkainis kay Tj. Yung Sympathy kay Nico. Idagdag mo pa ang kamay niyang nagsisimula na naman humapdi.

"Hindi ka ba natatakot na baka mabunggo ka sa pader o kaya sa poste?"

"Oh my God! You scared me!" Gulat na sagot ni Rich.

"Kung naglalakad ka ng nakatunghay eh di malamang nakita mo ko. Kamusta na kamay mo?" Sabi ni Nico sabay kuha sa napasong kamay ni Rich para inspeksyunin.

"Okay naman. Bakit ka nga andito?" Tanong ni Rich habang pinagmamasdan ang mukha ni Nico na nakafocus sa kamay niya.

"Ibibigay ko sa iyo ang bag mo na inihatid ko dito sa bahay niyo." Sagot ni Nico saby bitaw sa kamay ni Rich at inaabot ang bag sa dalaga.

"Thank you. Sorry nga din pala sa inasal ni Tj." Paghingi ng paumanhin ni Rich.

"Okay. I know he's a jerk anyway." Seryosong sagot ni Nico habang relax na nakasandal sa dingding at nakatingin kay Rich.

"Mabait naman siya eh. Hindi ko lang alam kung why he's acting like that lately." Paliwanag ni Rich.

"Okay nga lang. Anyways, binilhan kita ng Mefanamic at Antibiotics for your hand. Siguradong papaga yan by tomorrow." Bilin ni Nico at nagsimulang maglakad palayo.

"Thank you." Pahabol ni Rich. Huminto si Nico.

"Another thing, I'm sorry for that kiss. Nadala ako ng emosyon. But I don't regret it. Wag mo ng isipin kung anong pinagkakaganyan ni Tj. Baka parang ako, nagseselos lang din. Goodnight!" At saka muling naglakad papunta sasa kwarto niya.

At muli, naiwan si Rich habang nakahawak sa nagwawala niyang puso at tulala sa sinabi ni Nico

INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon