Chapter 21

1K 97 8
                                    

"Ma'am Rich, may client pong nag....... ay naku sorry po! Bukas po kasi ang pinto kaya pumasok na ako ." paliwanag ng receptionist na nagulat sa nadatnang eksena na naging dahilan ng paghihiwalay nang dalawa.

Para namang kung ano ang napasukan mo sa reaksyon mo." nakangiting sabi ni Nico sa namumulang receptionist.

Bahagya namang siniko ni Rich si Nico na ikinatawa ng binata.

"Okay, pakisabi palabas na ako. Thank you." sagot ni Rich na namumula rin.

Nang makaalis ang receptionist ay agad na binalingan ni Nico si Rich.

"So......" panimula ni Nico.

"So?" tanong naman ni Rich.

"Does this mean na you like me?" tanong ni Nico sa nakatalikod ng si Rich.

"Agad?" muling tanong ng hindi humaharap na si Rich.

"Yes."

"Taas ng self-confidence ha!"

"Because I know that you care for me." nakangiti si Nico.

"I also care for TJ." sagot ni Rich sabay harap kay Nico at tingin sa mga mata nito.

"I make you worry." muling sabi Ni nico na kumunot ang noo pagkarinig sa pangalan ni TJ.

"I worry for TJ too." muling sagot ni Rich sabay taas pa ng isang kilay nito.

"I make you feel  jealous. I make your heartbeat uneven. Can TJ do that to you? Kasi if he does, wala na tayong pag-uusapan. I'll leave right now and you'll never see me again." seryosong sabi ni Nico.

"Ang seryoso mo naman! Dyan ka na nga!" sabay labas ni Rich ng opisina.

Pagdating niya ng reception area ay nakita niya si Valeen.

"Ms. Valeen, glad you're back. ipa-finalize na po ba natin ang reservation mo?" salubong ni Rich.

"Yes. And by all means, call me Val." sagot ng nakangiting si Valeen.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Nico kay Valeen pagkakita niya sa pinsan.

"Inaayos ko reservations ko for my boyfie's birthday. Eh ikaw? I thought you're supposed to be resting dahil dayan sa injured hand mo? Nagdrama ka lang siguro e." sagot ni Valeen kay Nico.

"Uy hindi a! Di ba love?" baling ni Nico kay Rich.

"Love ka dyan! Umuwi ka na nga!" sagot naman ng namumulang dalaga.

"Really?! Kayo na?!" excited na sabi ni Valeen na may kasama pang pagtili.

"HIndi pa pinsan, in-denial pa kasi siya." si Nico sabay tawa. Hahampasin sana siya ni Rich kaso iniharang ni Nico ang kamay niyang may sugat kaya sinimangutan na lang siya ni Rich na lalong ikinatawa ng binata.

"Huwag mo na nga asarin kasi." saway ni Valeen kahit na siya mismo ay natatawa.

"Going back Val, kailan mo ba balak mag-party?" tanong ni Rich sabay tingin kay Nico na parang nagsasabing humanda ka saken mamaya.

"Thursday sana, kaso baka walang makarating sa mga kaibigan namin so I decided to move it on friday na lang. Thursday kasi talaga ang birthday niya." sagot ni Valeen.

"Okay. But same menu pa rin ba tayo?" si Rich.

"Yes, yun pa rin. And I'll include you sa guest list ha aside from you being the chef slash manager. Syempre I want to know you better." sabi ni Valeen na naging dahilan para lalong mamula si Rich.

"Thank you." sagot ng nakangiting si Rich.

"So, I guess that's it then?"

"Last thing is, sign this." sagot ni Rich sabay abot kay Val ng kontrata.

Matapos pirmahan ni Valeen ay umalis na ito. Bumalik naman sina Rich at Nico sa opisina ng dalaga.

"Galit ka ba saken?" tanong ni Nico pagkapasok ng opisina.

"Hindi. Pero naiinis ako." seryosong sagot ng nakatalikod na si Rich.

"Sorry na. I was jsut teasing." sagot ni Nico sabay yakap kay Rich mula sa likod.

"Nakakarami ka na ng yakap saken ha." pabirong sabi ni Rich pero hindi naman tinanggal ang mga braso ng binata.

"Okay lang. mamimiss mo naman ako eh." sagot ni Nico sabay halik sa ulo ng dalaga.

"Before I forgot, my event ang store next Monday." sabi ni Rich.

"Anong event?" tanong ni Nico sabay iniikot ang dalaga paharap sa kanay.

"Anniversary ng store sa monday. Family Day ang ginagawa naming paraan to celebrate it. Sarado ang restaurant dahil lalabas ang lahat ang empleyado. It's our way of saying thank you sa lahat ng empleyado." paliwanag ni Rich.

"Saan naman ang punta?"

"Theme park sa Laguna." sagot ni Rich.

"That's cool. Siguradong mage-enjoy ang lahat. May service? You know I can't drive." tanong ni Nico.

"Ofcourse. May bus na kinukuha ang company para sa mga empleyado." sagot ni Rich.

"Okay. Kahit pa gusto ko pa sanang tumigil dito at titigan ka buong araw mukhang hindi pwede kasi naaabala na kit. So I'll go." paalam ni Nico.

"Paano ka nga pala uuwi?" tanong ni Rich.

"Same way na nagpunta dito, taxi." nakangiting sagot ni Nico.

"And when will you be back to work?" muling tanong ni Rich.

"Grabe naman boss. Hindi pa nagsisimula ang leave ko, pagbabalik ko na agad sa trabaho tinatanong mo." mas lumaki ang ngiti ni Nico.

"Ay oo nga pala ano."

"If you want me to stay, I will." sabi ni Nico sabay hawi sa buhok ni Rich na humaharang sa mukha ng dalaga.

"But you need to rest." sagot ni Rich.

"And you need to work. If I stay here, maaabala kita at parang tinanggalan ko ng dalawang braso ang kitchen kapag nangyari yun."

"Why?" kunot-noong tanong ni Rich.

"Because I'll keep you here in your office at yayakapin lang kita buong araw." sagot ng nakangiting si Nico.

"Ah....." tipid na sagot ni Rich.

"Therefore I need to leave. Bye sunshine." sabay halik sa noo ni Rich at labas ng opisina.

INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon