"What was that all about?" nakangiting tanong ni Nico.
"What was that all about?? Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa'yo niyan? Ano yun?!" kunot-noong tanong ni Rich.
"Ang cute mo." nakangiting sabi ni Nico na bahagyang nakasandal sa saradong pinto.
"Hoy nico! HUwag mo akong madaan-daan sa pagngiti-ngiti mo dyan!" galit na sabi ni Rich.
"Are you jealous?" tanong ni Nico habang humahakbang papalapit kay Rich.
"Huwag kang makalapit-lapit sa akin Nico! Sasapakin kita! si Rich habang humahakbang palayo kay Nico.
"You are jealous!" tuloy sa paghakbang papalapit si Nico.
"Who was that?! Nagpunta lang ako ng kitchen, pagbalik ko may kalandian ka na." patuloy naman sa pag-iwas si Rich.
"Correction, hindi yun landian, kasi siya alng ang lumalandi sa akin."
"So?! Bakit hindi ka lumayo?! And you didn't answer my question kung sino siya."
"She's my EX." sagot ni Rich sabay hawak sa kamay ni Rich.
"Kita mo na?! EX mo pa pala iyon tapos you let her touch you like that?!" galit na sabi ni Rich habang pinipilit na humulagpos sa pagkakahawak ni Nico.
Niyakap ni Nico si Rich at kahit anong gawing panlalaban ng dalaga ay hindi siya nito binitawan hanggang sa mapagod na si Rich at hinayaan na lang ang binata na yakapin siya.
"Look, I didn't know she's coming. If I knew, sa kitchen na lang sana ako tumigil. She's my EX at matagal na kaming hiwalay. Ngayon lang ulit kami nagkita mula noong mahuli ko siyang merong iba." paliwanag ni Nico habang hinahaplos ang buhok ni Rich.
"Niloko ka niya?" kalamadong tanong ni Rich.
"Yes."
"Yet you let her touched you." nakasimangot na sabi ni Rich.
"Guest siya ng client natin. Besides, no matter how much I hate her, kabastusan naman ang basta siya itulak diba?" sagot ni Nico.
"I see. You still hate her, meaning may feelings ka pa rin sa kanya."
"Not true. I hate her not because I;m still in pain. I hate her kasi niloko niya ako tapos now she has the guts to try and win me back." bahagyang iniangat ni Nico ang mukha ni Rich para matingnan niya ang dalaga sa mga mata.
"Did she do it?" tanong ni Rich.
"Did what?" kunot-nppng tanong ni Nico.
"Win you back."
"No."
"Why?"
"Because there is nothing left to win back. My heart is yours the moment I laid eyes on you." ngumiti si NIco at unti-unting tinawid ang pagitan ng kanilang mga mukha.
Pumikit naman si Rich at hinintay ang pagdampi ng malambot na labi ni Nico sa mga labi niya. Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Valeen at Jerald.
"Nico! There you are......Ooooops! Sorry!" napangiting sabi ni Valeen.
"Sabi na kasi sa'yo na kumatok ka muna." nattawang sabi ni Jerald.
Idnikit na lang ni Nico ang kanyang noo sa namumulang si Rich.
"What do you need?" tanong ng nakangiting si Nico sabay akbay kay Rich.
"Well, I thought the two of you are fighting because of the witch." sagot ng nakangiting si Valeen.
"Tapos na. Inaway na niya ako." natatawang sagot ni Nico sabay siko naman ni Rich sa tagiliran ng binata.
"Halika na nga. Istorbo tayo dito eh." si Jerald sabay hila sa nobya.
"Now that we're alone again, where were we?" nakangiting baling ni Nico kay Rich.
"Where were we ka dyan! Halika na nga dun sa labas at baka hindi na magkaintindihana ng mga staff natin." sagot ni Rich sabay hila sa binata.
"Natin? Conjugal property? Sinasagot mo na ba ako?"
"Natin kasi hindi ba sous chef kita. Kaya halika na!"
At hinayaan na lang ng binata na hilahin siya ng dalaga.
BINABASA MO ANG
INFINITY
FanfictionSi Rich. Si Nico. Dalawang taong magkaiba, pero pinagtagpo ng tadhana.