Maagang nagising si Nico. Agad na naligo at nagbihis. Nang lumabas ng kwarto ay suot na ang sky blue na polo na siyang magiging uniform niya. Buti at sumakto sa kanya, bulong siya sa kanyang sarili.
Masaya ang nagging almusal ni Nico. Kasabay niyang kumain ang ilang kasambahay, si Manang at Manong Gudo, driver ng Mommy ni Rich. Sa mga kwentuhang narinig, mas nakilala ni Nico ang pamilyang pagsisilbihan.
May restaurant business sina Rich. Dalawa silang magkapatid. Pero ang kuya niti ay madalas na kasama ng ama sa mga business trips nito. Napag-alaman niya din na Business Administration ang tinapos ng kurso ng dalaga.
Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang nagtoothbrush at dumiretso sa garahe, kung saan niya ang kanina pang naghihintay na si Rich. Pagmamasdan niya pa sana ito habang nakatalikod nang bigla itong magsalita.
‘Wow! Nakatira na tayo sa iisang bahay pero late ka pa rin.’ Mataray na sabi ni Rich sabay lingon sa nakakunot noong si Nico.
‘Paano mong nalaman na nasa likod mo ako?’ takang-takang tanong ni Nico.
‘Siguro dahil sa reflection mo?’ sarcastic na sagot ng dalaga sabay turo sa reflection ni Nico.
Napa face palm na lang si Nico sabay nilamapasn si Rich para ipagbukas ng pinto. Pero bago pa siya makapunta sa driver’s side ay may nahagip pa siyang ibinulong nga dalaga.
‘Cute na sana, weird lang.’ bulong ni Rich sabay sakay ng kotse.
Abot tenga naman ang ngiti ni Nico. Nang makaupo na siya sa driver’s seat, tiningnan niya si Rich sa rearview mirror sabay tanong:
‘Ma’am, saan po tayo?’
‘Parang taxi lang? ituturo ko na lang sa’yo ang way and please, don’t call me “ma’am”. Feeling ko kasing tanda ko na si Mommy.’ Napapangiting sagot ni Rich.
‘If hindi “ma’am”, ano naman ang pwede kong itawag sa’yo? Siyempre boss kita.’ Tanong ni Nico habang nagmamaneho.
‘You can call me Rich. Yun naman ang tawag nilang lahat sa akin. Hindi naman dahil driver kita, kailangan mo na akong tawaging “ma’am”.’
‘Noted po Rich.’ Sagot ni Nico sabay sulyap kay Rich sa rearview mirror.
‘At saka ‘wag ka ng mangopo sa ‘kin. I guess di naman nagkakalayo ang edad nating dalawa. I-park mo na dyan.’ Sabi ni Rich sabay tapik sa balikat ni Nico.
‘Noted ulit. Hihintayin ba kita dito? I mean, dito lang ba ako?’ tanong ni Nico sabay lingon kay Rich.
‘No need. Itetext na lang kita. Pwede ka na umuwi. Or you can go anywhere as long as mabilis kang makakabalik dito kapag tinawagan na kita.’
Kinuha ni Rich ang number ni Nico. Tatayo na sana si Nico para ipagbukas ng pinto si Rich pero sinabihan siya ng dalaga na ‘wag na lang.
Nang makapasok na si Rich sa restaurant, sandaling nag-isip si Nico kung saan siya pwedeng magpunta. At naisip niyang bisitahin ang malamang na nakakamiss na sa kanyang si Sam.
BINABASA MO ANG
INFINITY
FanfictionSi Rich. Si Nico. Dalawang taong magkaiba, pero pinagtagpo ng tadhana.