‘Supermarket?’ nagtatakang tanong ni Rich kay Nico nang buksan ng binata ang pinto ng kotse.
‘I thought you wanted my help?’ sabay ni Nico habang inaalalayan si Rich pababa ng sasakyan.
‘Ay nosebleed!’ nakangiting sagot ni Rich pero iniwasan niyang tingnan ang reaksyon ni Nico.
‘Minsan na nga lang mag-english, basag pa.’ pabulong na sabi ni Nico.
Napangiti si Rich sa sagot ni Nico. Pero para di mahalata ng binata ay nauna na siyang maglakad papasok ng supermarket. Sa isip-isip ni Rich ay okay naman palang kausap si Nico. Mukha naming mabait at kung character lang ang pagbabasehan ay hindi siya naniniwalang kailangan ni Nico ang trabaho niya bilang driver. Hindi naman kasi mukhang naghihirap sa buhay ang binata. Maganda ang pangangatawan ng driver niya. Matangkad at mestiso. Mukhang galling sa may kaya o nakakaangat na pamilya. Ang iniisip niya ngayon ay kung bakit kailangan ng binatang pumasok na driver.
Kukuha na sana ng push cart si Rich ng mapalingon siya at makita niya si Nico na nakaplain white shirt at shades. Gwapo talaga ang driver niya, bulong ni Rich sa sarili. At dahil nga sa nakatulala siya ay di niya namalayang malapit nap ala ito sa kanya.
‘Rich! Okay ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?’ sunod-sunod na tanong ni Nico sa tulalang si Rich sabay hipo sa noo ng dalaga na ikinapula naman ng mukha ng huli.
‘Okay lang ako. Tara na.’ sagot ni Rich sabay marahang pinalis ang kamay ni Nico. Sabay talikod at diretsong naglakad.
‘Tingnan mo ‘to, tara na daw pero di namna kumuha ng push cart. Rich! Hintayin mo ko, uy!’ at mabilis na sinundan ang dalaga.
Hindi niya sinabayan si Rich. Pinagmasdan niya ito habang naglalakad. Paminsan-minsan ay humihinto para damputin at suriin ang isang produkto. Simple lang ang ganda ni Rich. Yung gandang di nakakaumay, yung gandang habang tumatatagal mong tingnan mas sumasarap na titigan.
Hinawakan ni Rich ang phone niya dahil may nagmessage dito. Habang nagbabasa ng message niya at napangiti ang dalaga. Di nakatakas sa paningin ni Nico ang mga ngiting sumilay sa mga labi ni Rich. At sa pagkakataong yun, di niya namalayang napahawak siya sa kanyang dibdib dahil bigla niyang naramdaman ang pagbabago ng tibok nng puso niya. Bigla siyang nagulat nang may tumapik sa braso niya.
‘Nico kanina pa kita tinatawag pero tulala ka. May sakit ka?’ sabay dampi ng kamay ng dalaga sa noo at leeg ng binata.
‘Huh?’ wala sa sariling sagot ni Nico.
‘Hmmmm, wala naman. Ano bang nangyayari sa’yo?’ takang tanong ni Rich habang nakatingin kay Nico.
At nang mapansin ni Rich na wala pa ring balak umalis, hinawakan niya ang braso ni Nico at hinila na niya ag nakatitig pa rin sa kanyang si Nico. Makalipas naman ang ilang minuto ay nagbalik naman na ito sa kanyang sarili.
‘Ano bang bibilhin natin?’ tanong ni Nico na napasulyap sa kamay ni Rich sa braso niya.
‘Ikaw ang nagdala sa’kin dito tapos ako ang tatanungin mo.’ Sagot ni Rich na komportable pa ring nakahawak sa braso ni Nico.
‘Eh ano ba kasing problema tungkol sa pagkain?’ tanong ni Nico na bahagya ng pinagpapawisan dahil sa kamay ni Rich na nakahawak pa rin sa braso niya.
‘Well, napirata kasi ng kalaban naming resto ang Head Chef naming. And he created all our dishes.’
‘So you need to reinvent a new set of menu?’ tanong ni Nico.
‘Well, yes and no. kasi some of the dishes in our menu are signature dishes na ng restaurant.’ Paliwanag ni Rich na bumitaw na kay Nico para magtingin ng ingredients para sa bagong recipe.
‘Bakit di ka magpameeting para sa mga chefs mo?’ curious na tanong ni Nico.
‘I already did. Pero di ako satisfied sa mga sagot nila. Dun naman kasi sa mga dishes na na-recreate, isa lang ang threat samen, yung molten lava cake. Kasi original dish niya yun.’ Sagot ni Rich na medyo nalungkot ang mukha.
‘Ano ka ba? Mahahanapan mo ng solusyon iyan. You seem smart. Tsaka mukha naming di ka papatalo sa kalaban niyo.’ Alo ni Nico sabay tapik sa balikat ni Rich na nagpangiti naman sa dalaga.
BINABASA MO ANG
INFINITY
FanfictionSi Rich. Si Nico. Dalawang taong magkaiba, pero pinagtagpo ng tadhana.