Zadkiel Josh Weasley
May 25 2018
6:18 PM
Uy crushiiieee
Bat di ka lumalabas ng bahay nyo?
Niyayaya ka nung mga katropa mo na mag laro ah
Teka, nasa bahay ka nga ba?
Baka naman nagbakasyon ka ng hindi ko alam?
Teka puntahan kita.
6:45 PM
Wala ka ata sa bahay eh!
Kanina pa ako katok ng katok dito, wala namang nagbubukas ng pinto
Tsaka patay yung ilaw, madilim na
Jusko ka!
Sige na nga uuwi na ako
You disconnected the conversation.
Archive this convo?
Archive || Cancel
Keyshey's Point of View
Nakasimangot na inexit ko ang messenger ko. Pero pinanatili kong nakasandal yung ulo ko sa gate ng bahay nila Zed. Kanina pa ako katok ng katok at doorbell ng doorbell walang nag bubukas. Wala ding ilaw sa loob ng bahay nila.
Huhuhu! Feeling ko talaga umalis sila ng pamilya nya ih.
Nubayan di manlang ako sinama.
Hay——
"Ay shittt!" Nagulat ako nang biglang bumukas yung gate!
At nasubsob ako sa kung sino man ang nagbukas non! Shet na malagkit!
Natigilan ako nang maamoy ang pamilyar na amoy. Pakingteyp. Si ano to! Si Zed!!!!
Ohmayghad ohmayghad! Hala qaquuuu! Juskoooo!
Lupaaaaaa! Lamunin mo na akoooo!
Umayos ako nang bahagya nya akong itulak.
"U-uy hehehe." Napayuko ako at napahawak ng tenga. Putek ka lang talaga shet! Pinapahiya mo sarili mo Keyshhhhh!
"Ano?" Nag-angat ako ng tingin at nakita ko na naman yung nakakunot na noo nya. "Katok ka ng katok. Doorbell ka ng doorbell. Problema mo?" Napanguso ako nang sungitan na naman nya ako.
"Ah ano." Napalunok ako. "Kase, ano." Umiwas ako ng tingin. "Ano——"
"Ano?! Ano ka ng ano." Napatalon ako nang bigla syang sumigaw sa pagkairita.
"Si Tita? May pinapatanong si mama eh." Palusot ko.
"Pinsan ba kita?" Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
Anong konek?
Napatalon na naman ako nang bigla nyang pabagsak na isara yung gate nila.
Napanguso nalang ako at umuwi na.
Atleast, nakita ko si cruhiee!
•u n r e a d•
YOU ARE READING
Mark As Unread
Teen FictionDo you want to mark this conversation unread? Mark As Unread || Cancel