Unread 74

9 1 0
                                    

October 15 2018

Keyshey's Point of View


"Kesh?"

"Uy, Keyshey."

"Yuhoooo!"

"Keyshey!"

"Keyshey Unise Lian Valdezara!!!"

Napalingon ako kay Aewyn na biglang sinigaw ang pangalan ko. Binigyan ko sya ng masamang tingin at inirapan.

Epal naman. Nananahimik yung tao dito eh.

"Ano?" Inis na napakamot ako sa likod ng tenga. 

"Ano sa tingin mo magugustuhan ni Alex? Eto o eto?" Tinuro nya yung dalawang libro about sa hindi ko naman alam kung ano. 

Tinignan ko yung isang libro. The Lord Of The Rings. Yung author ay si J. R. R. Tolkien. Tapos yung isang libro naman ay Northern Lights. Si Philip Pullman naman ang author nun. Mahilig kasi si Alex sa mga classic novels. Tapos eto namang boyfriend nya, nagpasama saakin bumili pagtapos nung class namin. Eh ano namang alam ko dyan? Puro pocketbooks lang alam kong basahin no.

"Abuh, malay ko dyan," napa-irap nalang ako nung paluin nya ako sa braso. "Aray ko, Aewyn!" 

Nainis naman ako dahil tinignan nya pa ako ng masama. 

"Sinama kita dito hindi para magpa-aircon ka kundi para tulungan ako! Gusto kong regaluhan si Alex!" Inis na sigaw nya saakin. 

"Hoy! Hindi ko naman ginustong sumama sayo no! Aba, bigla mo akong hinila nung kausap ko si Zadkiel tapos aarte arte ka dyan," inirapan ko ulit sya tsaka pumunta sa section kung nasan yung mga pocketbooks. 

Naramdaman ko namang sinundan nya ako habang tumitingin akong libro.

"Bilis na kase---"

"Kung hindi mo alam kung ano ang gusto nya, edi bilhin mo pareho. Mayaman ka naman eh," walang buhay na sabi ko habang tinitignan yung bagong set ng pocketbooks. 

"Teka nga, Keyshey," hinarap nya ako sakanya kaya wala akong nagawa kundi tignan sya. "Bat ang tamlay mo ngayon?" 

I was caught off guard. Mayghad!! Totoo???? Mukha ako ng matamlay ngayong araw? Hala kaaaaa! Si Damdam kase eh!

Pero teka? Totoo ba? May gusto na si Zadkiel? Eh sino naman???? Ohmayghad! Dont tell me, si Frances?? Waaaaaah! >.< Noooooooo! Di pwedeeeeeee!  Ginawa si Zadkiel para saakin!!! >.< Labstory namin to ni Zadkiel ihhh.

Nooooooooooooooo---

"Hoy!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil bigla ako ng sinigawan ni Aewyn sa tenga. 

Inis na tinignan ko sya, "Ano ba?!"

"Tinatanong kita oy!" Sumimangot nalang ako at pumunta sa may pinto. Pero bago pa ako makalabas ay pumasok na si Zadkiel. 

Nanlaki pa ang mata ko kaya mabilis ako ng napatalikod. OMAYGHAD! 

Akmang maglalakad na ako papunta kay Aewyn nung biglang may humila sa bag ko kaya napatigil ako at napa-atras ng bahagya. 

"San ka pupunta?" Napalunok ako nung narinig ko ang boses ni Zadkiel at pumunta pa sya sa harap ko. 

"A-ah ano," natigil ako sa pagsasalita nung tinignan nya ako ng seryoso. "Kay Aewyn." 

Nag-iwas ako ng tingin at nilampasan sya. Huhuhuhuhu sorry Zediiiiii!!! Sumasakit kasi dibdib ko kapag nakikita kita ihhh (kahit wala naman ako ng ganon). 


Zadkiel's Point of View


Anong nangyari dun? Bat parang iniiwasan ako? Kanina pa sya sa school ah. Nung in-offer-an ko sya ng softdrinks hinindian nya ako. Anong meron? May nagawa ba ako?

Aish! Cha-chat ko nalang sya mamaya.


•u n r e a d•




Mark As UnreadWhere stories live. Discover now