Unread 90

13 0 0
                                    

November 29 2018

Keyshey's Point of View

"Happy Birthday Zadkiel."

"Happy Birthday Zed."

"Happy Birthday po."

Napapapikit na lang ako sa tuwing maririnig ang pag bati nila sa kanya.

Geh lang. Buti kung pansinin kayo niyan.

"Happy Birthday Zadkiel, para sayo. Binake ko yan kagabi."

Napatingin ako kay Frances ng marinig ang boses niya.

Aba't ang lawak ng ngiti!!!! Ganda ka? Ganda ka?

Ginawa namang polbo ang harina. Tsk

"Oyy ba't nakakunot nanaman ang noo mo?"

Napatingin ako kay Alex ng umupo sa tabi ko. Ngumuso ako at tinuro si Frances.

"Yes naman Frances! Ganda mo ngayon ah."

Bati ni Alex.

What the?

Sinamaan ko sya ng tingin at tumawa naman sya.

"Syempre, natural toh."

"Ahh, natural. Kaya pala pati harina ginagawa mong polbo. Bwahahaha."

Akmang lalapit si Frances kay Alex ng hawakan siya ni Zadkiel.

Hearty wag kang masaktan. Bawal yan. Wala kang karapatan.

"Ang ingay niyo."

Nanindig ang mga balahibo ng marinig ang seryoso niyang boses. Tumingin sya kay Frances habang nakakunot parin ang noo.

"Tangalin mo yang make up mo. Di bagay sayo."

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Okay. Bawal nga sabing mag selos Keyshey!!! Wala kang karapatan. Naramdaman ko ang pag tap ni Alex sa ulo ko at niyakap ako.

"Ayos lang yan. MARAMI pa dyang IBA."

Talagang nilaksan niya ang boses niya na tila pinaparingan si Zadkiel. Tsk. Kung ganun lang kasi yun kadali.

"Kesh."

Hindi ko nilingon yung tumawag sakin. Manigas ka dyan Damiel. Che!

"Ano? Ganto nanaman? Di mo nanaman ako papansinin? Key naman. Sorry na."

"Oyy, wag kang mangulo Damiel. Nag eemote ang keykey mo."

Nakita ko sa peripheral view ko ang pag alis niya sa likod namin at umupo sa tabi ni Zadkiel. Nag katinginan pa yung dalawa bago sya umupo. Sinilip ko yung desk ni Zadkiel at nakita ang isang katerbang regalo dito. Every year naman yan ganyan. Basta Birthday niya, pasko, at Valentine's day. Para namang kinakain niya lahat nung chocolates at nagagamit lahat nung nireregalo sa kanya. Lumingon ito sakin at may nilapag sa desk ko.

"Ano toh?"

"Diba halata?"

Napanguso ako sa sinagot niya sakin. Walanghiya kaaaa!!! Malamang alam kong chocolate toh!!!

Padabog ko itong kinuha at bumalik sakanya. Tumayo ako at lumabas muna ng room.

"Oyy!"

Di ko nilingon si Zadkiel at tuluyang lumabas. Geh habulin mo ulit ako. Wehehehe.

Biglang nay humawak sa kamay ko at hinarap ako sa kanya.

"Galit ka?"

"Hindi."

Sinubukan kong alisin yung pag kakahawak niya sa kamay ko pero masyado iting mahigpit. Langya ka Zadkiel!!!

"Ano ba?"

"Why are you being like this Keyshey Valdezara?"

Na tahimik ako ng sabihin biga yun.

"Stop being like this!"

"Wa-wala naman akong gi-ginagawa ah."

Nauutal kong sabi, bigla niya akong isinandal dun sa pader.

Waaaah!!! Hearty!!! Wag kang mangulo!

"Za-zadkiel."

"Hindi ko gusto si Frances."

Umalis sya at pumasok na ng room.

Huh? Ano daw???

Anong nangyari dun?

Waaaaah!!! Puso koooo!!! Wag kang maingay!!!!

•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now