Unread 56

20 0 0
                                    

Alexandrite Legaroz

September 22 2018
10:45 AM


Alexandrite
Kesh

Oh?

Alexandrite
Daanan ka namin ni Aewyn dyan sa bahay nyo

Eh? Bat naman?

Alexandrite
Nakalimutan mo ba?

Alexandrite
Ngayon ire-release yung jersey natin

Kailangan ba talaga akong kunuha ng jersey?

Wala naman akong balak salihan eh |( ̄3 ̄)|

Alxandrite
Malamang

Alexandrite
Kasama sa miscellaneous fee natin yun eh -__-

Wala naman akong balak salihan

Alexandrite
Malapit na kami sainyo

Tinatamad ako Alexxxxx

Alexandrite
Bilisan mo

Alexandrite
Balita ko pareho kayo ni Zed ng pinaregister na jersey number

Tologo???? o(^o^)o

Alexandrite
Oo kaya mag-ayos ka na at kukunin na natin yung jersey natin

Okssss!


You disconnected the conversation.


Keyshey's Point of View

Tulad ng sinabi ni Alex ay nag-ayos na ako.

Wala pa atang kalahating oras nung tawagin ako ni mama dahil nandun na daw sila.

Pagbaba ko ay nakaupo na silang apat sa sofa namin. Binigyan sila ni mama ng maiinom.

Napalunok pa ako nang makitang nandoon din si Zadkiel.

Hanggang ngayon naaalala ko parin yung nangyari yung isang araaaawww! > <

Tumikhim nalang ako at tumabi kay Alex.

"Ano jersey number nyo?" Tanong ni Aewyn na parang excited na excited.

"27 akin," sabi ni Alex.

"Parehas tayo, Alex," nakangiting sabi ni Aewyn.

"Oh eh ano naman?" Siniko ko si Alex na tinarayan si Aewyn.

"Share ko lang bat ba?" Napasimangot si Aewyn kaya natawa ako.

"Ikaw Gabby?" Baling ni Alex kay Gabby.

"8 ako," ngumiti si Gabby bago uminom ng juice na bigay ni mama.

"Ikaw, Zed?"

"2," simpleng sagot ni Zadkiel.

"Uiiiii! Si Keyshey din, 2 eh," tumawa si Aewyn na sinabayan din ni Alex.

"Yieeeee!"

"Couple jerseyyyyyy!" Pang-aasar pa nila.

Sinaway ko sila pero hindi sila natigil.


Gabryelle's Point of View


Nilingon ko si Zadkiel na nakatingin lang kay Keyshey.

Nakita ko ang pasimpleng pag-ngiti nya habang nakatingin kay Keyshey na sinasaway ang dalawa.

Napa-iwas nalang ako ng tingin.

Hindi ko talaga matatapatan si Zed.

Pero kakayanin kong lamangan sya. Hintayin nya lang. Mapupunta saakin si Keyshey.

Tumayo ako at nagpaalam muna na lalabas.

Ilang minuto palang ako sa labas ay lumabas naman si Zadkiel.

"Bakit ka nakatingin sakin kanina?" Hindi ko sya tinignan. Hindi din ako umimik.

Nakuyom ko nalang ang kamao ko at pinigil ang galit na umuusbong sa sistema ko.

"Wag mong sabihin na nababakla ka sakin?" Inis na tinignan ko sya nung narinig ako ang mapang-asar na tawa nya.

Kinuwelyuhan ko sya, "Tandaan mo to, Zadkiel. Mapupunta saakin si Keyshey. Hindi ako titigil sa pagmamahal sakanya hangga't hindi nya sinasabi sakin na tumigil na ako."

Ngumisi lang sya, "Ako nga ang mahal nya. Accept it and move o——"

Hindi na nya natapos ang sinasabi nya dahil sa pagsapak ko sakanya.

"T*ng*n* mo, Zadkiel. Wag kang mayabang dahil mababago pa ang nararamdaman nya. At ako ang magbabago non, g*g*!" Iniwan ko sya doon at pumasok sa bahay nila Keyshey.

Hindi ako susuko hangga't hindi sinasabi ni Keyshey mismo na sukuan ko sya.


•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now