July 15 2018
Keyshey's Point of View
Napapakunot na lang ang noo ko habang nakatingin sa test paper. Anong klaseng mga tanong toh?
Bakit ba kasi kailangan pang pag hiwahiwalayin kami? Alex!!! Tulong!!!
"Psst, keyshey."
Napalingon ako sa katabi ngayon ba si Aewyn.
"Ano?" Bulong ko.
"Anong sagot sa number 10?"
Napatingin ako sa test paper ko at tila nahilo sa tanong.
"Mukha bang alam ko?"
Pag tataray ko at pinag tuunan na lang ng pansin yung test paper ko.
"Oyy."
Napa tingin ako kay Zadkiel na nasa harap ko at bigla niyang inabot ang test paper niya.
Whaaaaaa!!! ♥︎▽♥︎
"Uyy, pashare."
Ang bilis niyang matapos! Nag madali akong kopyahin yung mga sagot niya at ibinalik sa kanya ang papel niya. Hahaha.
"Ahh! Grabe ang hirap nun ah."
Saad ni Alex habang nag lalakad kami ngayon papuntang Canteen.
"Alex, guess what?"
"Ohh?"
"Pinagaya ako kanina ni Zadkiel sa quiz. Hehehe."
Natigilan ito at tumingin sakin.
"Di ngaaa?!"
"Wag kang maingay!"
"Sorry, sorry. Geh kwento."
Nag patuloy kami sa pag lalakad.
"Binigay sakin ni Zed yung test paper niya. The end."
"Wow. Ang galing."
Sarkastiko niyang saad. Agad naman kaming nakabili at tumambay muna.
"Yun lang ta-"
"Hi Keyshey."
Napa tingin ako kay Frances na bigla na lang niluwa ng lupa. Saan toh galing? Umakbay ito sakin at napaka lawak ng ngiti.
"Bakit?"
"Wala lang. Gusto lang kita kamustahin."
Napaka arte talaga ng boses niya.
"Pero muka namang maayos ka na dahil nakakalandi ka na so bye bye."
Tinap niya ang balikat ko sana umalis.
"Anong sabi non?"
Nanggigigil na tanong ni Alex.
"Bwiset ka MAKANDEli!!!"
Sigaw niya at napatingin samin ang mga tao.
"Walastik. Naiwan ko yung wallet ko sa counter. Umuna ka na Keyshey. Hahabol na lang ako sayo."
Agad na umalis si Alex at umuna na lang ako. Nakatingin sakin ang mga tao habang nag lalakad ako sa corridor. May dumi ba ako sa muka?
Di ko sila pinansin at nag patuloy lang sa pag lalakad.
"Keyshey-"
Lilingunin ko na sana si Alex ng biglang may pumigil sakin sa pag lingon at yumakap.
"Don't move."
Nanigas ako ng marinig ang boses ni Gabby. Tinangal niya yung jacket ko at hinarap ako.
"Sinong gumawa nito sayo?"
"May problema ba Gabby?"
Ipinakita sakin ni gab ang jacket ko at nakita ang naka sulat dun gamit ang pulang paint
Malandi ako.
Kanina lang ba toh?
Bigla kong na alala si Frances kanina. Kaya niya ba ko kanina inakbayan para di ko maramdaman ung pag sulat sa jacket ko?
Di ko napigilan ang luha ko at napa hagulgol. Bakit ba napaka iyakin ko?!!!
"Shhh taha-"
Naramdaman ko ang pag hila sakin at pag yakap sakin ng kung sino man.
"Let it out."
Napaka lambing ng boses ngayon ni Zed. Napaka amo na lalaong nag pa hagulgol sakin.
"Gab, better if you report this to miss. Ako na munang bahala kay Keyshey."
"Si-sige."
Rinig ko ang pag alis ni Gab at natira lang kami ni Zadkiel sa gitna ng daan habang nakatingin sa amin ang ibang estudyante.
"Okay ka na?"
Tumango tango lang ako bilang sagot at sabay na kaming lumakad papuntang room...
Zadkiel....
Zadkiel Josh Weasley
July 15,2018
10:38 PMBakit nila ako ginanun Zadkiel!!! T^T T^T
T^TMasama ba akong tao?
Panget ba ako?
Di naman diba???
Ka bully bully ba ako?
Ipapakain ko na talaga yang si Frances kay Chow chow at Min Min!!! ( wag sana silang malason )
Ba't ba ang sama sama sakin ni Frances??? Bakit?!!!
Wala naman akong ginagawang masama sa kanya!
Bwiset syaaaa!!!
Thanks pala sa pag comfort sakin kanina. Hehehe.
Kakeleg nenemen eke seye. ♥︎▽♥︎ (di mo gets noh?)
Ay nalimutan ko nga palang pasalamatan si Gabby kanina.
Salamat nga pala sa pag papakopya sakin kanina sa science.
Yieeeee.
Hahahahaha.
Geh bye muna.
PS. Pakopya ng assignment sa Math ulit!!! Ang hirap masyado ng Trigo. T^T
You disconnected the conversation.
Archive this convo?
Archive || Cancel
•u n r e a d•
YOU ARE READING
Mark As Unread
Teen FictionDo you want to mark this conversation unread? Mark As Unread || Cancel