Unread 42

13 2 0
                                    

July 18 2018

Gabby's Point of View

Nagising ako at napa ngiwi ng maramdaman ang sakit sa gilid ng labi ko. Dahan dahan akong umupo at tiningnan ang paligid.

Nasa clinic nanaman ako. Nakabisado ko na ang bawat sulok ng lugar nito dahil sa iba't ibang injury ko noon habang nag lalaro.

"Gising ka na pala."

Hindi ko pa man nakikita ang mukha niya'y alam ko na na si Zed iyon. Nakita ko sya ng nakaupo sa sahig sa tabi ng higaan ko.

"Bakit ka nandito?"

Tanong ko rito at tumingin siya sakin.

"Para balaan ka."

Naging seryoso ang itsura nito at saka tumayo.

"Gusto ko si Keyshey at gagawin ko ang lahat para mawala ang pag tingin niya sayo."

"At di ako papayag don. Gusto ko rin si Keyshey."

Ramdam na ramdam ko ang tensyon na namumuo sa aming dalawa at alam kong ramdam niya din ito. Kinuha niya ang water bottle na nasa lamesa at saka iniabot sakin.

"Ayaw kong nakikitang nasasaktan si Keyshey sa tuwing mag aaway tayo ng di niya alam ang dahilan."

"Ganun din ako."

"Muka namang alam mo na ang ibig sabihin ko?"

Kinuha ko ang water bottle sa kamay niya at uminom.

"Sana nga nag kakaintindihan tayo."

Saad niya at tumalikod at nag simulang lumakad patungong pinto.

"May the best man win."

Saad niya saka binuksan ang pinto ng matigilan sa nakita sa likod nito.

What the... Narinig niya ba ang pinag usapan namin?

Alexandrite's Point of View

Nag lalakad na ako papuntang clinic para tingnan kung maayos na si Gab. Napag utusan pa nga ni Keyshey.

Binuksan ko na sana ang pinto ng may marinig na nag salita.

"Gusto ko rin si Keyshey."

Za-zadkiel. Hindi ko maituloy ang pag bukas ko ng pinto. Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Zadkiel.

"Ka-kanina ka pa dyan?"

Nakatigil parin ako habang naka tingin sa kanya.

"Hi-hindi, kararating ko lang." Pagsisinungaling ko. "Gising na ba si Gabby?"

"Oo gi-"

Di ko na sya pinatapos at agad na pumasok ng clinic. Nakita kong naka titig din sa akin si Gabby.

"Ano, ayos ka lang? Ayos na ba kayo?"

Nakita ko ang pag tingin niya kay Zadkiel na para bang nag hihingi ng sagot o naninigurado.

"Oo naman."

"Geh uuna na ako."

Narinig ko ang pag sara ng pinto at biglang natauhan.

Si Zadkiel? Gusto niya din si kesh?!!! Hahahaha. Nilapitan ko si Gabby na may malawak na ngiti sa aking mukha. I'm so proud of you Kesh. Hahaha

"Oh? Ba't ka ganyan maka tingin?"

"Wala, wag kang epal. Hahaha. Oh ito pinapa abot ni Kesh di sya makapunta at pina-tawag siya ni Sir Magnaye. Bye Bye."

Agad akong kumaripas ng takbo ng maibigay ang pagkain kay Gabby.

Inilibot ko ang tingin sa buong room at nakitang busy si Keyshey. Agad ko itong nilapitan at umupo sa tabi niya.

"Swerte mo Kesh."

Napa tingin ito sakin at halatang naguguluhan.

"Bakit?"

"Wala, wala. Hahahaha."

u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now