Unread 69

17 1 0
                                    

Zadkiel Josh

October 5 2018
5:35 AM


Zadkiel
Sabay tayo


Zadkiel Josh disconnected the conversation.


Keyshey's Point of View


Pagkatapos kong mabasa yung message ni Zadkiel ay bigla akong naka-rinig ng pagtawag ni mama kula sa baba. Nasa baba daw si Zadkiel.

Syempre nagmadali akong bumaba dahil ayokong mag-hintay si Zadkiel. Halos minadali ko na nga yung pag-aayos ko sa buhok ko eh.

Nung nakarating naman ako sa baba ay nagulat ako nung nakangiti si Zadkiel habang nakatingin saakin.

Aaminin ko, medyo kinilabutan ako dahil sa pagngiti nya.

Halaaaa! Hindi kaya, pekeng Zadkiel to? Hala! Kinuha kaya ng alien si Zadkiel? Ano yun? Nung nakita sya nung mga alien, nagkagusto sakanya? Kaya ba kinidnap nila si Zadkiel?! Tapos papakasalan nila agad si Zadkiel pagka-dating dun sa planeta nila? Oh nooooo!

Waaaaaahhhhh!!!

Hindi pwede!!!

Akin lang si Zediiiiiiii!!!

"Ano na namang laman ng isip mo?" Nagulat ako nung ilapit nya saakin yung mukha nya. Napa-atras tuloy ako. Hindi ko kinaya nung naramdaman ko yung paghinga nya! May karera ata sa puso ko. Karera ng mga kabayo.

"H-ha? W-wala naman," ngumiti nalang ako at hinila na sya palabas.

Nagpaalam pa muna ako kay mama bago isara yung gate namin. Tahimik lang akong naglakad sa tabi ni Zedi.

Ano ba, hearty???? Wag kang maingay dyaaaan! Baka marinig ka ni Zedi!

Hayss! Ang ingay ng puso ko. Parang gustong lumabas sa ribcage ko. -__-

Tanggalin kita dyan eh.

"Kamusta tulog mo?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong ni Zedi.

Luh? Hindi talaga si Zedi to eh. Kinidnap talaga sya ng mga aliens!!

Huminto ako sa paglalakad at hinarap sya. Mukhang nagulat pa sya sa pagharap ko kase napa-atras sya.

"Hindi ikaw si Zedi!" Sigaw ko.

Kumunot naman ang noo nya, "Anong hindi ako? Ako si Zadkiel."

"Hindi nga!"

"Bat ba mas marunong ka pa? Ako nga si Zadkiel!"

"Hindi basta basta nagtatanong si Zadkiel ng ganyan! Kamusta tulog mo? Ano namang pake ni Zadkiel sa tulog ko? Tapos yung pag-ngiti mo kanina! Hindi ngumingiti si Zedi!"

Natahimik kaming dalawa. Then after ilang minutes....

Bigla syang....

BIGLA SYANG TUMAWA!

As in yung tawa na halakhak talaga! Yung halos mamatay na sya sa kakatawa! Tapos kulang nalang humiga sya sa daan habang naka-hawak sa tyan nya at magpa-ikot ikot.

"Oh, kita mo na! Hindi ikaw si Zadkiel!"

Ilang minuto pa bago humupa ang kakatawa nya. Masama parin ang tingin ko sakanya kase nga hindi sya si Zedi. Paano nalang yung future babies namin ni Zedi?? Hindi na sila mabubuhay huhuhuhu.

"Damn," pinilit nyang sumeryoso pero hindi nya magawa ng maayos. "Stop making me laugh."

"Watashi wa anata o motto aisuru kamo shirenai."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya.

Ano daw?!


•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now