December 6, 2018
Keyshey's Point of View
Pinapasok na ang lahat sa bus at nakita ko namang nakaupo na agad si Alex at sinenyasan akong umupo sa tabi niya. Kala ko ba nasa likod ko sya?
Ano yun? Teleportation? (O o O)
Napansin ko naman yung kumakaway din sa kabilang direksyon na si Damiel pala at pinapaupo ako sa tabi niya. Ano ba toh?
Damiel or Alex?
Kay Alex na nga lang ako. Papalakad na ako papunta kay Alex ng biglang humawak sakin at hinila ako papuntang likod ng upuan ni Alex.
"Ano ba? Uupo ako sa tabi ni A-"
Homayghaaaaaddd!!!
Nanlaki ang mga mata ko ng mapansing si Zadkiel pala yung humila sakin. Akala ko ba naka upo na sya kanina pa?
Mukang ako na lang ang hindi marunong mag teleport. Haist.
Tatayo pa sana ako ng pigilan niya ako.
"You, stay here."
"Ayoko nga. Gusto ko sa tabi ni Alex."
"Hi guys."
Napalingon ako sa nag salita at nakita si Aewyn na nasa upuan ko dapat sa tabi ni Alex. Nakita ko namang tumayo si Alex at humarap sa amin. Napansin kong kay Zed sya naka tingin at naka ngisi pa.
"Ayos lang Keyshey, dyan ka na muna umupo sa tabi ni Zadkiel."
Napakunot ang noo ko ng sabihin niya yun ng may pagka sarkastiko.
"Galit ka?"
Dumapo sa akin ang tingin niya at ngumiti.
"Nah, I'm fine. Let's just enjoy this Field trip."
Pagkatapos niya yon sabihin ay umupo na sya at hinila pa si Aewyn para umupo. Tiningnan ko naman si Damiel at nakitang wala na sya don. Iginala ko ang tingin ko pero hindi sya nakita. Lumipat ba sya ng bus?
"Looking for someone?"
Nilingon ko si Gabby na naka upo pala sa likod namin. He leaned forward and another man came out. It was Damiel.
"Ey, I thought tatabi ka sakin. Ipinakiusap ka pa naman sakin ng mama mo na bantayan daw kita."
"Ewan ko sayo. Baka ikaw pa dyan yung kailangang bantayan."
"Hindi nga?"
Aba't talagang makikipag asaran tong mokong na toh. Inayos ko ang akin upo at tiningnan siya.
"Remember the summer of 2007, nadulas ka dun sa ilog ayun umuwi tayong basang basa ka! Hahaha."
Sarkastiko kong asar.
"Baka nga, ikaw nga muntik ng lumubog ng tuluyan sa kumunoy. Hahaha."
"Baka ikaw yun. Binabaliktad mo lang yung kwento. Muntik mo na ngang masunog yung kusina niyo, natumba mo dati yung kabaong ni lolo sa burol at lumusot ka pa dun sa pag lilibingan ni Lola dati."
YOU ARE READING
Mark As Unread
Teen FictionDo you want to mark this conversation unread? Mark As Unread || Cancel