Unread 14

25 1 0
                                    

May 29 2018

11:06 PM

Dear Diary,

Lumipas ang araw na ito nang hindi ko kinakausap o kahit tinitignan manlang si Zadkiel. Im torn between pushing the 'uncrush button' and pushing the 'asa pa button'.

Pero syempre, mahirap. Lalo na at ilang taon ko na syang gusto. Actually kanina nga, muntikan ko nang kausapin si Zadkiel kaso si Alexa ang pumigil saakin. Kapag wala si Alexa, si Aewyn naman ang naglalayo sakin kay Zadkiel.

Tapos kanina, niyaya ako ni Gabby. Nood daw kami ng———ah basta yun. Nakalimutan ko eh. Basta sa saturday daw yun. Napa-oo nga ako dahil bigla kobg nakita si Zadkiel na papalapit saamin eh. At dahil ang saya ni Gabby na pumayag ako, niyakap nya ako ng wala sa oras. Niyakap ko sya pabalik. Sinulyapan ko si Zadkiel na nilampasan lang kami.

Alam mo, feeling ko nagseselos si Zadkiel. Kase kanina, nung AKSIDENTENG natignan ko sya, ang sama ng tingin nya kay Gabby.

Teka nga, Keysh! Ano bang pinagiisip mo? Para kang tanga eh. Jusko kala ko ba ipe-press mo na ang uncrush button? Eh bat mo pa iniisip yung Zadkiel na yon?

Aba ewan ko din! Di ba pwedeng inaappreciate ko yung days na gusto ko pa sya? Duh? Para naman kapag di ko na sya crush, nabuhos ko na lahat ng appreciation ko sakanya.

Jusko ka, Keysh. Baliw ka nang talaga.

Bahala na nga. Sana lang ay manatili yung galit ko sakanya para ma-push ko na ang uncrush button.

Torn,
Keyshey ʕ ••ʔ

•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now