Unread 17

18 1 0
                                    

June 5 2018

Keyshey's Point of View

Hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari kanina. I almost bumped with Zadkiel. Imbis na kiligin, kinabahan ako dahil nahuli nya kami ni Alexa na sinusundan sya. Tapos gustong gusto ko ng magpapansin sakanya dahil si Alexa lang yung kinausap nya. Kaso naalala ko, galit nga pala ako sakanya. Hayss. Bakit kasi ang hirap magalit sa taong gusto mo? -3- Parang ikamamatay ko yung hindi pagpansin sakanya huhuhuhu

Ilang minuto ang lumipas bago ko namalayan na papunta kami sa riverside. Mag tatanong sana ako kay Alexa kaso nagulat ako nung bigla syang tumigil. Sinundan ko yung tinitignan nya at pati ako, nagulat din sa nakita ko. Five scary big guys were in front of us. Yung nasa gitna nila ang pinaka-nakakatakot. May piercing sya sa kaliwang tenga. Tapos may tattoo na sumasakop sa kanang leeg nya na umaabot sa may pisngi nya. A black jacket was hanging in his shoulders. And his lips are forming into a creepy grin.

Creeps.

"Tignan nyo nga naman. Dalawang magagandang binibini ang naligaw sa teritoryo natin," I looked around. Teritoryo nila yung abandonadong barn na papunta sa riverside? Sila ba yung nababalitaan kong nangre-rape ng mga babae? Ohmygoshhhh! These five guys? Rape? Nooooooooo! Hindi pwedeeeee!

"Lex, tara na takbo na tayo," hinila ko yung laylayan ng tshirt ni Alexa. Pinatahimik nya lang ako at tinago sa likod nya.

"Hello, ladiesss," napaatras kami ni Alexa nang bahagyang umabante yung naka puting sando na nasa kaliwa nung nasa gitna.

"Wag kang lalapit samin," hinila ko ang tshirt ni Alexa para tumahimik sya pero nagtuloy parin syang nagsalita. "Subukan nyo lang kaming hawakan, makakatikim kayo."

"Lex naman eh!" Tinry kong takpan ang bibig nya pero may biglang humatak saakin mula sa likod.

"Pano ba yan, Miss? Nahawakan ko na tong kaibigan mo?"

Pinilit kong kumawala sa akbay saakin nung lalaking humila saakin pero wala akong lakas para makawala. Sumigaw sigaw na ako at lalong nagpumiglas pero lalo din nyang hinigpitan ang pagkakawak saakin.

"Ahhh! Bitawan mo akoooooo!"

I screamed with all my might but the guy just shut me up with a punch. Sinuntok nya ako sa tyan na naging dahilan ng pag-luhod ko sa lupa. Shit! Ang sakit nun ah! Mga walang ano naman tong mga to! Walang respeto sa babae. Tsk.

"Mga gago!"

Hinang hina akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang sigaw ni Alexa. Minsan lang sya magmura kaya alam kong galit talaga sya. Gusto ko sanang pigilan sya pero hindi ko kaya kasi nanghihina talaga ako dahil sa suntok na binigay saakin nung walang hiyang lalaking yon!

One of them attacked Alexa. Naiwasan sya ni Alexa pero hindi nya naiwasan ang dalawang biglang humawak sakanya. Ti-nry kong tumayo pero hinawakan ako nung lalaking sumuntok saakin. Akmang sisigawan ko na sana sya pero biglang may humawak sa balikat nya at sinapak sya. Napaatras ako at impit na sumigaw.

Napakabilis ng nangyari, narealize ko nalang na tumakbo na yung limang lalaki na humarang saamin ni Alexa. Si Alexa, tumulong sa pag bugbog sa limang yun samantalang ako, nakatayo lang sa tabi at walang nagawa. 

"Okay lang kayo?" Hindi ko nagawang sumagot sa tanong na binato saamin. 

"Okay lang ako. Si Keysh ang dapat na tinatanong mo," naramdaman kong lumipat saakin ang tingin nilang dalawa. 

"Keysh?" Naramdaman kong lumapit ssya sa pwesto ko. Hinawakan nya ang magkabilang braso ko. At parang on cue na napatingin ako sakanya. Kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko ang pagyakap ko sa taong tumulong saamin. 

"Gabby," 

•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now