Unread 16

18 1 0
                                    

June 5 2018

Keyshey's Point of View

Nagtago kami ni Alexa sa likod ng bookshelf. Nag-sisihan pa kami nung muntik na kaming mahuli nung sinusundan namin. 

"Ikaw kasi eh," sisi ko sakanya.

"At ako pa talaga ang sinisi," angal naman nya. I nudge her to shut her up. She groan but I hushed her.

"Ang ingay mo Lex!" pabulong na sigaw ko sakanya

Inambaan nya pa ako ng suntok na binalewala ko lang. Sinilip ako yung sinusundan namin. 

As usual, kausap nya si Frances. Ano bang ginagawa nila dito sa bookstore? Anong bibilhin nila? Nagde-date ba sila? Pero si Frances? Makikipagdate sa isang bookstore? Patawa yun. 

"Oy," kinalabit ako ni Alexa kaya naman nilingon ko sya. "Akala ko ba galit ka dyan kay Zadkiel?"

Inosenteng tumango ako bago tumingin sa taas. "Oo nga."

"Aray naman Lex!" Napahawak ako sa batok ko nang bigla nya akong batukan ng sobrang laaaaaaakassssss. As in sobrang lakas. Parang hihiwalay na yung ulo ko sa katawan ko.

"Eh bat natin sinusundan yan?" Napanguso ako nang pinanlakihan nya ako ng mata. Nakakatakot si Alexa. Parang kahit anong oras, mananapak o mananakit yung babaeng to eh.

"Ano ka ba, Lex? Hindi natin sya sinusundan. Mamimili lang talaga ako ng libro," tinalikuran ko na sya at sumilip kila Zadkiel.

"Ay sino ka!!" 

Halos sumubsob yung mukha ko sa dibdib ng kung sino dahil sa pagsilip ko. 

"Hindi ako sinuka," nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Zadkiel. Umangat ang tingin ko sakanya. I gasp. Napa-hawak ako sa bibig ko at humakbang palayo sakanya.

"Uy Zadkiel," lumapit si Alexa kay Zadkiel at inakbayan ito. "Anong ginagawa mo dito?"

"I should be asking you that," tinanggal ni Zadkiel ang pagkaka-akbay ni Alexa sakanya at saglit akong sinulyapan bago ibaling ulit ang tingin kay Alexa.

Si Alexa lang ba ang kakausapin nya? -3-

"Alam mo kase, Zadkiel. Hindi lang ika wang pwedeng pumunta ng bookstore at mamili ng libro. Pumipili kasi ng libro si Keysh para kay Gabby," kwento ni alexa na punong puno ng kasinungalingan. 

Hindi kaya ako namimili ng libro para kay Gabby. Tsaka wala kaya akong pera para bilhan sya. Tsaka si Gabby? Magbabasa ng libro? Eh ang alam lang ata nun eh mag sports. Soccer ngayon, basketball bukas, table tennis mamaya, sports all day. May nalalaman pa nga yung ball is layp eh -__-

"Libro para kay Gabby? Yon magbabasa? Asa," tinalikuran na kami ni Zadkiel at pumunta sa cashier kung nasaan si Frances. Sobrang ganda ng ngiti ni Frances nung lapitan sya ni Zadkiel. Tapos nung paalis na sila, inalalayan pa ni Zadkiel si Frances sa beywang. Pinagbuksan pa nya ng pinto yung babaeng yun!

"Alam mo, Keysh. Bagay sila," inakbayan ako ni Alexa na agad ko namang tinanggal.

"Tatadyakan na kita eh!"

"Totoo naman eh. Maganda si Frances, gwapo si Zed," pinaglaruan nya pa yung lollipop na kanina pa nasa bibig nya.

"So, panget ako ganon?" 

She just shrugged. Tinalikuran na rin nya ako at nagsimula nang maglakad palabas ng bookstore. "Oy teka, Lex! Hintayin mo ako!" 

"Ang bagal mo! Pupuntahan pa natin sila  Aewyn!"

Kahit kumunot ng bahagya ang noo ko, binilisan ko nalang para mahabol si Alexa.

•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now