Unread 68

11 1 0
                                    

October 4 2018

Keyshey's Point of View


Waaaaahhhhh!!!!

Ilang araw na kaming nagrereview ni Zadkiel pero wala paring pumapasok sa utak ko! Lalo na sa putek na math at science na yan!

Sino ba nag imbento nyan? Sarap patayin eh.

Huhuhuhu T^T

Naiiyak na akoooooo!

Ang sakit na ng ulo ko sa mga numbers at letters na yun. Huhuhuhuhu T^T

"Anong mukha yan?" Nag-angat ako ng tingin kay Zadkiel na kakabalik lang galing sa pagbili ng pagkain. "Para kang nalugi."

Lalo akong napanguso sa sinabi nya. Ang walang hiyang to! Sya yung ang hirap magturo eh. Huhuhuhu T^T Kinuha ko ang isang hawak nyang chips tsala yon binuksan at kumuha ng isang piraso para isubo.

Dapat pala sumama nalang ako kay Alex sa pagrereview huhuhuhu.

"Hindi ko gets! Itong heredity na to, ano bang natutulong nyan sa pang-araw araw natin? Araw araw bang gumagawa ng bata? Tss," naiinis na binitawan ko yung ballpen ko tsaka sinilip ang loob nung kinakain kong chips. 

"Tapos yang factoring factoring na yan sa math! Ano namang pake ko dyan sa pag factor dyan? Tapos yang quadratic formula na yan! Tss. Si crushie nga walang pake saakin na tao tapos ako, may pake dyan? Tss," padabog kong binitawan yung hawak konbg chichirya at sinubsob ko yung mukha ko sa mga libro ko.

"Ayoko na, Zadkielllll!"

"Para kang bata. Those are meant for us to study," balewalang sabi nung kaharap ko ngayon. "Tsaka pano mo naman nasabing walang pake sayo yang crush nyo?"

"Edi kung may pake yun, hindi nya ako susungitan," nanatiling naka subsub yung mukha ko sa mga libro ko.

"Eh sino ba yang crush mo nang maresbakan?"

"Edi resbakan mo sarili mo," natigilan ako sa sariling nasabi ko.

Ohmyghad! Did I just said that????? Nadulas ba ako?! Hala ka!!!!! Kailangan kong bawiin yon!!! Omay omayyyyy!

Nag-angat ako ng tingin at nakita syang naka-ngiti na agad namang nawala nung nakita nya akong nakatingin sakanya.

"Wag mong idamay si crushie sa ka-abnormalan mo," pagpapalusot ko tapos sumubsob ulit sa mga libro.

Nako naman Keyshey!!!!

Ipapahamak mo yung sarili mo eh!

Mag-aral ka na nga lang dyan!

So wala akong nagawa kundi sagutan ulit yung pinapasagutan ni Zadkiel saakin.

"I bet your crush likes you back," nag-angat ako ng tingin kay Zadkiel. Pero nakatingin lang sya sa mga librong nasa harap nya.

"Hindi ka mahirap mahalin."


•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now