Zadkiel Josh
October 15 2018
10:58 PM
Zadkiel
Keyshey
SeenZadkiel
You're online.
SeenZadkiel
Nagsi-seen ka din sa messages ko
SeenZadkiel
Wala ka bang balak na replyan ako?
SeenZadkiel
Keyshey?
SeenZadkiel
Why aren't you replying?
SeenZadkiel
Keyshey?
Keyshey Valdezara was active one minute ago
Zadkiel's Point of View
Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama ko at sinilip ang kwarto ni Keyshey mula sa bintana ng kwarto ko.
Nakapatay ang ilaw pero may naaninag akong konting source of light mula sa loob. Galing siguro sa lamp shade nya. So that means she's not yet sleeping?
Napakunot ang noo ko nung biglang bumukas ang gate nila at lumabas sya. May kausap sya sa phone nya at lumilingon sa kalsada.
What the heck is she doing outside? It's freaking late!
Nakita kong bigla nyang binaba ang phone nya at ngumiti ng sobrang lapad nung nakita nya yung isang lalaki na naka-hoodie at nakasandal sa isang motor na nasa tapat ng bahay namin. May inabot sakanyang plastic ng 7/11. Nagliwanag yung mukha nya at biglang niyakap yung lalaki.
What the?!
Who the heck is that guy? Bakit sya niyakap ni Keyshey?! Shit!
Things are starting to play inside my head. Shit! Boyfriend ba yan ni Keyshey?! Imposible! Sabi nya, hindi sya pinapansin ng crush nya?! Eh sino ba yung crush nya? Diba ako? Ako yung crush nya diba? Eh bat may niyayakap syang ibang lalaki? Akala ko ako ang crush nya?
Shit!
May bago na ba akong kaagaw kay Keyshey? Hindi lang si Gabryelle?
"Bye bye Damdam!!!" Bumalik ako sa katinuan nung biglang sumigaw si Keyshey. Kumakaway sya habang tinatanaw yung lalaking nakasakay sa motor na paalis na.
Oh. Yung same guy na niyakap nya nung nakaraan ang niyakap nya ngayon.
Fvck.
•u n r e a d•
YOU ARE READING
Mark As Unread
Teen FictionDo you want to mark this conversation unread? Mark As Unread || Cancel