June 30 2018
10:56 PM
Dear Diary,
So ayun, May 30 na ngayon. Pero hanggang ngayon, hindi parin kami nagpapansinan ni Zadkiel. Galit-slash-nagtatampo parin ako sakanya tapos sya, ewan. Hindi ko naman alam ang iniisip nun eh. Ang hirap kaya nyang basahin. Para syang libro na cuneiform ang font. Ang hirap basahin! Para syang kanta na nasa form ng korean, chinese, japanese, malay at kung ano ano pa. Ang hirap maintindihan! Para syang bugtong, palaisipan!
Okay, chillll! Chill lang Keysh. Hindi dapat puro negativity si Diary.
Eniwey, Diary. La lang. Namimiss ko lang sya. Kaso sabi ni Alexa, kailangan ko daw panindigan na galit ako sakanya. Kailangan daw, si Zedkiel ang maunang mag-sorry. Eh paano naman magsosorry yun eh wala nga yung pake kung magkaaway kami o hindi. Kanina nga nakita ko syang kausap si Frances. Instead of going with us na kaibigan nya, mas pinili nya pa si Frances.
Oo diary! Tapos alam mo ba, may lumapit sakanila na dalawang babae. Tapos bigla syang umakbay kay Frances at ngumiti ng sobrang lapat. -__-
Tapos si Frances naman, kinapitan agad si Zadkiel. Muntik ko nang masugod yung dalawa kanina eh. Buti nalang napigilan ako ni Alexa. Kundi, nakuuuu!
Tapos nung pumunta kami sa may perya, nakita din namin sila ni Frances dun. Mukhang nag de-date sila. Si Alexa, Aewyn at Gabby naman yung kasama ko. Naglaro kami sa mga stalls dun. Tapos nadaanan namin yung stall na kailangang ma-hit yung bulls eye. Tapos yung cute na stuff toy yung premyo. Tapos si Aewyn, nanalo. Tas yung premyo na pinili is yung life-size teddy bear. Binigay nya kay Alexa yun. Nainggit nga ako eh. Tapos ti-nry ko kaso hindi naman ako nanalo. Nagulat nalang ako nung ti-nry din ni Gabby. Samantalang sabi nya, korni daw. Tapos tinanong nya ako kung ano daw yung gusto kong prize. Syempre sinabi ko yung cute na panda stuff toy.
In the end, hindi din nanalo si Gabby. Tinukso tukso pa sya ni Aewyn dahil hindi nya nakuha yung panda stuff toy para saakin. Natawa nalang kami ni Alexa dahil nag-away na yung dalawa. napikon kasi si Gabby kay Aewyn.
When 8 PM strikes, we decided to go home. Hinatid ni Aewyn si Alexa dahil magkalapit lang naman sila ng bahay. Tapos kami naman ni Gabby ay sabay na pumunta sa sakayan. Hindi nya ako nahatid dahil kailangan na sya ng lola nya. Sya yung unang naka-sakay pauwi habang ako naman ay ilang minuto bago maka-sakay ng tricycle.
Pagkauwi ko, nakita ko si Zadkiel na kakalabas lang ng bahay nila. Napatingin din sya saakin pero umiwas na ako ng tingin. pagharap ko sa gate namin ay nakita ko yung panda stuff toy na naka-sandal sa gate namin. Hindi ko alam kung kanino galing pero may letter akong nakita. Nung nabasa ko yung letter, napangiti nalang ako.
Ngayon, habang nagsusulat ako yakap yakap ko si Kie. Kie yung pinangalan ko sa panda stuff toy. Hulaam mo kung kanino sya galing?
Hihihihi. Kanino pa ba? Edi kay bibiZadkielku. Hihihihi.
Kinikilig,
Keyshey ʕ •ᴥ•ʔ•u n r e a d•
YOU ARE READING
Mark As Unread
Teen FictionDo you want to mark this conversation unread? Mark As Unread || Cancel