Unread 64

10 1 0
                                    

September 28 2018

Keyshey's Point of View


Nag tipon tipon ang lahat ng mga estudyante ngayon sa covered court dahil iaannounce na ang panalong team.

Yes!! Syempre kami na yun.

"Okay, good morning students.'

Bati ni Ms. Elizalde ang host at nag sigawan naman ang lahat.

"Okay, first bago natin alamin kung sinong team Ang umangat sa lahat. Ay kilalanin muna natin ang mga naging kampyon sa ating mga palaro."

Aist. Ang haba naman nun masyado

"Giving this day September 27, 2018 this certificate of Excellence to Aewyn Dale Dela Rosa for winning the Judo men's division."

Pumuntang stage si Aewyn at kinuha yung certificate, isang trophy at Gold medal. Sumunod ang iba pang mga estudyante na naka sungkit ng 1st place sa iba't ibang larangan hanggang sa matawag ang pangalan ni Alexa para sa Taekwondo women's division at si Zadkiel para sa Chess. Si Gabby naman ang naging MVP sa basketball habang si Frances ang sa Volleyball girls.

Okay ako na yung walang award na nakuha!!! T^T

"Oh."

Napa angat ang tingin ko kay Gabby at malawak ang ngiti nito.

"Sayo na lang tong medal ko. You also deserve one."

Sabi niya at isinabit sakin ang medal niya.

"I'm giving this medal to you Keyshey Valdezara for being the best supportive friend and cheering them at their games. Congratulations."

Inabot niya yung kamay niya para sa shake hands at tinangap ko ito. Nag tawanan lang kaming dalawa.

"Ayy wait. May nakalimutan ako."

Umupo sya sa tabi ko saka kinalkal ang bag niya.

"Here."

Kinuha niya yung medal at may idinikit na something saka ipinakita sakin. May nakasulat na doong supportive friend Keyshey Valdezara. Natawa na lang ako sa ginawa niya. Tanapalan niya yung mga nakasulat dun sa medal.

"Dyan ako."

Napatingin ako sa harap ko at nakitang nakakunot ang noo ni Zadkiel.

"Geh alis na ako."

Paalam ni Gabby at ginulo ang buhok ko bago lumisan.

Tiningnan ko ng masama si Zadkiel at dedma lang toh.

"Tsk."

Di ko alam kung imahinasyon ko lang pero parang narinig ko ata iyon mula kay Zadkiel.

Ano nanaman kayang problema nun?

Maya maya din nama'y in announce na din kung sinong team ang nanalo at kami yun.

Hehehe.

Di ko lang narinig yung prize.(−_−)

Pag katapos ng announcing pinayagan ng umuwi pero dumaan muna kaming room gawang may nakalimutan daw si Alex.

Naka abang lang ako sa labas ng room ng biglang nag vibrate ang cp ko.

Kinuha ko ito at nakitang may message.

From: Damiel

Nasa labas ako ng school niyo.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pangalan niya.

"Alex uuna na ako!!! May susundo sakin. Bye!!"

Agad akong tumakbo pababa ng building at nakita ko pa sila Gabby, Aewyn at Zed na mukang inaabangan kami.

Di kalayuan nakita ko sya sa ending ng Pathway at naka ngiti.

"Damiel!!!"

Agad ko syang niyakap at ganun din sya.

"Hi Kesh, I miss you."

Bulong niya habang naka yakap parin.

I miss you too Damdam.

Zadkiel's Point of View

Iniintay namin ngayon sila kesh sa pathway, pumunta kasi muna silang room.

"Uyy ayan na si Keyshey."

Saad ni Aewyn at di kalaunay nakarating sya sa pwesto namin, matulin ang takbo niya at nilampasan lang kami.

Anong meron dun?

Di kalayuan sa end ng pathway nakita ko syang may niyakap na lalaki. Ayun yung kanina pa pinag kakaguluhan ng mga babae ah.

Malawak ang ngiti niya habang mahigpit na yakap ang lalaking yun. Kasing edaran namin iyon at kasing tangkad ni Gab, maputi ito at maskulado.

Tsk. Sino ba yun?

Bakit ang saya nya masyado?

Bwiset!


•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now