Unread 85

11 1 0
                                    

November 23 2018

Keyshey's Point of View

*yaaaawwwnnn*

Kinusot kusot ko pa muna yung mata ko habang naglalakad papunta sa upuan ko.

Inaantok pa akooooo!

Tsaka lang ako umayos ng mulat nung maka-upo na ako sa upuan ko. At halos malaglag pa ako sa inuupuan ko nung nakakita ako ng Ferrero Rocher chocolate sa lamesa ko.

Halaaaaaa!

Sino naglagay neto dito?

Naglibot libot pa ako ng tingin kaso ako palang ang nasa room namin. Saktong nahagip ng mata ko yung pinto na kakabukas lang at pumasok doon si Zadkiel.

Ohmayghad! Baka naman si Zadkiel???

Napatingin din sya sa lamesa ko at napakunot ang noo.

Teka, hindi sya?

Ano ba namang tanong yan Keyshey? Malamang hindi si Zadkiel. Duhh? Si Frances yung gusto nyan diba?

Nagiwas nalang ako ng tingin at kinuha yung sticky note na nakadikit sa paheart shape na lalagyan nung Ferrero.

Morning Keyshey :) Hope you like it

Huh? Wala man lang nakalagay kung kanino galing? Kahit initial wala? Morning lang talaga? Wala ding good? Nukayayun? Baka naman pinagti-tripan ako neto?

Hayss.

Bahala na nga. Bibigay ko nalang kay Aewyn mamaya para kung may lason sya ang maunang mamatay hehehe (^ν^)

Akmang isisilid ko na yung ferrero sa bag ko nung biglang magsalita si Zadkiel.

"Kanino galing?" Yung tono ng boses nya, parang bored na naiinis na ewan.

"A-ahm," nagiwas ako ng tingin bago sumagot. "W-walang nakalagay eh."

Nagulat ako nung marinig ko ang matunog na pag-ngisi nya. Nung tinignan ko sya, nakita kong peke yung pagkakangisi nya.

"Admirer huh?" Binigyan nya pa ulit ako ng pekeng ngisi bago ako tinalikuran.

Nagsalpak sya ng earphones sa tenga nya at nagbasa na ng kung anong libro.

Teka?! Bat nandito sya? Akala ko ba pinalipat sya sa section three? Dont tell me——

"Kung gusto mong tanungin kung bat ako nandito, ang sagot dyan ay dahil binalik na ulit ako dito ni Ms Conde," kumunot ang noo ko nung bigla syang magsalita kahit nakatalikod sakin.

Teka? Nararamdaman ba nya yung mga titig ko? Pero——

"Keykey!!!" Tinignan ko nalang si Damdam na papalapit saakin at may binigay na plastic.

Akmang tatanggapin ko yun nung mahagip ng mata ko ang mata ni Zadkiel. Bigla syang umiwas at tumayo para umalis.

Anong meron?

•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now