Unread 73

10 1 0
                                    

October 15 2018

Keyshey's Point of View


"Heya there, Keykeyyy!" Sinalubong ako ng akbay ni Damdam habang papasok kami sa campus. Ginulo nya pa yung buhok at tumawa.

Inis na inayos ko naman yung buhok ko bago tumingin sakanya, "Ngayon first daw mo, Dam?"

"Uh-huh."

Parang bakla talaga tong si Damdam. Minsan talaga napagkakamalan kong bakla sya. Yung gestures kase pati na rin yung way nya ng pagsasalita. Parang may something eh. Pang bakla talaga.

"Ano iniisip mo, Key?" Tinanggal nya ang pagkakaakbay saakin at pinuwesto sa batok ang dalawang kamay nya.

Aish! Ang hirap i-explain! Basta yung ginagawa minsan ng mga lalaki sa anime! Ganon.

"Iniisip ko kung bakla ka ba," gulat na napalingon naman sya saakin at bahagya pang natawa.

"Ako? Bakla? Baka yung isa sa mga kaibigan mong lalaki," tumawa ulit sya.

Pero teka? Isa sa kaibigan kong lalaki? Sino? Si Aewyn? Siguro nga si Aewyn. Sya lang naman yung babakla bakla eh. Imposible namang si Gabby no! Eh nakita ko yung phone non, ang daming videos at pictures ng sexy models. Iba iba pa ata ang nation. May blonde kase tapos brunette, tapos black, tapos may brown din. Nung tinanong ko kung bat may ganun sya, ang sabi nya, "project yan, Kesh". Nakakaloka nga eh. Ano kayang gagawin nila sa project na yun? Compilations of sexy pics and vids? Hayss. Boyzzz.

Kung si Zadkiel naman, malabo. Tsaka mas imposible kung si Zadkiel! Ang gwapo naman nyang bakla. Tsaka, lalaki yon! Sigurado akong lalaki yon! Dahil unang una—— ano nga ba? Ah basta! Lalaki si Zadkiel! Di ako pwedeng magka-gusto sa bakla!

"Sino? Si Aewyn ba?" Kunot noong tanong ko.

"Yung naka-salamin? Hindi yon," umiling pa sya at binaba yung kamay para ilagay sa loob ng pocket ng pants nya.

"Si Gabby?"

"Yun yung medyo pataas yung buhok no?" Tumango naman ako. "Hindi yon."

"Si Zadkiel?!"

"Yun yung laging magulo yung buhok diba? Yung parang laging bagong gising," tumango ako. "Yeah. I guess he's a gay."

"Hoy hoy hoy! Hindi bakla si Zedi no!" Apela ko sa pinagsasabi nya.

Aba! Ginagawang bakla si crushie!

"Nah, he's gay. Definitely a gay," sinamaan ko naman sya ng tingin na kinatawa nya lang. "He's too gay to confess his feelings for y—— someone."

Kumunot naman ang noo ko.

May gusto na si Zadkiel? Bakit parang bigla akong nasaktan dun? Bat parang may kumirot sa puso ko. Bat parang nanghina ako? Bakit bigla akong nawalan ng gana? Bakit biglang gusto kong umiyak?

Bat ako nasasaktan kung crush ko lang sya?

Ibig sabihin ba non.....

Mas grabe pa ang nararamdaman ko para sakanya?


•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now