Zadkiel Josh Weasley
July 3 2018
10:10 PMZediiiiii!!!
Weiiiii! Ang bango bango ng jacket mo.
Buti na lang at mag kaklase ulit tayo. Ang saya saya ko kaso andyan nanaman si Frances.
Naku, naku, naku. Ipapasalvage ko na talaga yang MAKANDEli na yan!!!
Thank you kasi pinahiram mo sakin yung jacket mo para matakluban yung tagos ko kanina sa palda. Pati yung pag sama sakin sa office kanina para mag paalam kay miss. Nakakahiya man ang nangyari sakin pero salamat at nandun ka.
Sa wakas nag kasabay na ulit tayo sa pag uwi kahit napa aga yung pag uwi natin. Okay lang ba ang lahat sa inyo kanina? Sabi mo kasi mo kasi kay Miss may Emergency sa inyo ehh, sana okay lang at pramis isasauli ko yung jacket mo pag katapos kong labhan.
Nga pala. Pwedeng pakopya ng Homework bukas? Ang hirap kasi ng trigo, first day na first day natin sa school may pa homework na agad si Mr. Aransulyo. (Panot naman( ^∀^))
Salamat ulit.
Good night
Bukas ha, Sabay ulit tayo sa pag uwi at pag punta narin sa school.
You disconnected the conversation.
Archive this convo?
Archive || Cancel
Keyshey's Point of View
"Keyshey!!!"
"Alexa!"
Agad na bungad naming dalawa ng makapasok ako sa room namin at nag yakap.
"Yiee, mag kaklase nanaman tayo."
"Oo nga. At kaklase ulit natin si Zadkiel. Hehehe."
Tumungo kami dun sa nereserba niyang upuan para sakin at nag kwentuhan.
"Di mo pa ba alam?"
"Ang ano?"
Huminto siya at itinuro ng palihim yung tao sa kabilang pinto.
"Nag babalik, Frances MAKANDEli."
"Aist bakit? Akala ko ba na sa section A sya this year."
"Di ko alam. Kahit nga si Zed eh, masyado ng mataas ang grades niya para mapunta pa sa section B. Siguro may pinaplano nanaman ang mga teachers."
Napa hinga na lang kami ng malalim at tumingin na lang ako dun sa pwesto ni Frances. Ang aga ng paninira sa araw ko ah........
"Oy Keyshey, sama ka sa canteen?"
Napalingon ako kay Alexa at nakita sila Erin at Jeziel.
"Nope, tatapusin ko muna tong sinusulat ko."
"Okay, bye bye."
Bumalik ako sa pag susulat ng lecture at umalis na din naman sila Alexa.
"Hulaan mo kung sino."
Biglang may nag takip sa mata ko at narinig ang boses ni Aewyn.
"Ano ba?!"
"Hulaan mo nga!!!"
YOU ARE READING
Mark As Unread
Teen FictionDo you want to mark this conversation unread? Mark As Unread || Cancel