Unread 55

16 0 0
                                    

Zadkiel Josh

September 19 2018
6:35 PM

Zadkiel
Kelan mo balak ibalik yung limang tshirt ko?

Zadkiel
Keyshey

Zadkiel
Hoy!

Zadkiel
Paubos na tshirt ko di mo pa nababalik yang nasayo

Zadkiel
Favorite shirts ko yang nasayo!!

Zadkiel
Ibalik mo na Keyshey!

Akin na lang yun, Zed!

^^

Zadkiel
Ayoko nga!

Zadkiel
Ibalik mo na!

Ayaw! d( ̄  ̄)

Zadkiel
Ako kukuha dyan sa inyo

Ehhhhh! Ayaw ko! Basta sakin na yun

Zadkiel
Ayaw mo ah

Zadkiel disconnected the conversation.

Keyshey's Point of View

Napangiti ako habang yakap yakap yung white shirt ni Zadkiel. Tumayo ako saglit para itago yung shirt ni Zadkiel. Nahiga ulit ako sa kama habang nag b-browse sa fb.

Napabalikwas nalang ako ng bangon nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Give me my shirts, Keyshey Unise Lian Valderaza," nanlaki ang mata ko.

"Bat ka nandito?!" Nagpapanic na ang boses ko habang naka-luhod sa kama ko.

"Kukunin ko yung shirts ko!" Sigaw nya. Pumunta sya sa damitan ko at binuksan yon.

"Hoy! Wag nga! Baka may makita ka dya——"

Too late.

Jusko lupaaaaa! Lamunin mo na akooo!

Lumingon sya saakin habang hawak yung... yung....

AHHHHH!!!

Hinablot ko yung undergarment ko mula sa pagkakahawak nya. Nag-iwas ako ng tingin. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

Kainin mo na ako lupaaaaaaaa!

As in now naaaaaa!

Nag-clear sya ng throat kaya napatingin ako sakanya.

"S-sige sayo na yung s-shirt ko," umiwas sya ng tingin at napalunok. "A-alis na a-ako."

At umalis na nga sya.

Jusko namaaaaan!!!!

Isa na namang kahihiyan itoooooo!

•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now