Unread 59

23 0 0
                                    

September 24 2018

Keyshey's Point of View

Nasa tapat ko ngayon si Zadkiel at mukang seryosong seryoso sya. Di pa nga nag sisimula ang laban!!!

Pano ba naman ako makakapag focus dito kung ganto kagwapong nilalang ang kaharap ko.

"Oy, talunin mo sya ha."

Napalingon ako kay Alexa na katabi ko ngayon. Nag prisinta sila nila Aewyn at Gabby na mag bantay ng laban, wala naman kasing game si Gabby at bukas pa ang laban ni Alex. Si Aewyn buong araw lang tatambay.

"Okay, game. Ladies first Keyshey."

Napa lunok ako ng marinig ko si Gabby na sabihin iyon. Nanginginig akong iginalaw yung isang pawn katapat ng Queen piece at pinindot yung parang timer.

Wahhh!!!

Di ako maka pag focus!!! Bakit ba kailangang kami pa mag kalaban.

"Relax Keyshey, di kita kakainin. Laro lang toh."

Saad ni Zed at natawa naman yung mga katabi naming players. Walang hiya ka Zadkiel!!!

"Don't worry, I won't let you win. And di naman ako marunong."

May inabot sya saking note at binasa ko ito.

Let's play, kung sinong mananalo susundin ang tatlong utos nya.

Napatingin pa ako sa kanya bago sulatan ito ng sagot.

Game.

Isinulat ko at iniabot ang note sa kanya. Ngumiti siya at tinitigan lang ako.

Huminga ako ng malalim at inalala ang tinuro sakin dati ng pinsan ko na master na sa chess.

Nag patuloy ang laban namin na tahimik lang at masuring pinapanood ang bawat galaw at pag tira.

"Checkmate."

Nanlaki ang mga mata ko ng masabi niya iyon.

"What? Checkmate na agad!"

Tinignan ko yung king ko. Which is the white. Nasa pinaka-corner yun. Tapos sa tabi nung king ko, yung black queen. Then sa harap ng king ay yung isang white pawn. Tapos pag kinain ng king ko yung queen nya, may naka-abang na rook nya.

Watdaaaa? Checkmate nga!

Napa taas na lang ako ng mga kamay na para bang sumusuko. Waaahhh!!! Kailangan ko tuloy sundin ang tatlong utos niya.

"Nice game Kesh."

Sabi niya at nakipag shake hands. Ng iabot ko ito ay bigla niya akong hinila at binulungan.

"You need to follow my three orders kesh."

Nanindig ang mga balahibo ko ng marinig ang napaka lagong niyang boses. T^T

Binitawan niya ako at ngumiti. Aist!!! Bakit ba ako pumayag?!

Lumipas ang isang buong araw at nag uwian na.

Yes!!! Blue team na ang nangunguna sa tally ng wins!!!

"Keyshey!"

Natigilan ako ng marinig ang tawag ni Zadkiel.

"Sabay na tayo."

Sabi niya habang hawak ang bike.

"Hindi ko dala bike ko. I'll ju-"

Natigilan ako ng bigla niya akong hilahin. Ibinigay niya sakin yung bag niya at iniupo ako sa likod ng bike niya.

Parang nung dati lang ahh?!!

Zadkiel's Point of View

Tinitigan ko lang sya ng pinaupo ko sya sa likod ng bike ko at naka awang ng kaunti ang bibig niya.

I'll make you mine Keyshey.

•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now