Unread 39

19 2 0
                                    

July 18 2018

Keyshey's Point of View

Kinusot ko ang nga mata ko nang nakarinig ako ng ingay. Ano ba yaaaaan! Absent yung teacherrrrr!

"Keyshey!!!" Napangiwi ako nang yugyugin ako ni Alex.

"Ano baaaaaa?" Napa-pout ako habang kinukusot parin ang mga mata ko.

"Nag-aaway si Gabby at Zadkiel!"

Parang nawala yung antok ko nang narinig ko yung pangalan ni Zadkiel. Hala kaaaa! Ano daw?! Nag-aaway?! Si Gabby at Zadkiel??? Hala kaaaa!

"Nasan sila?" Hindi na sya nagsalita dahil hinila na nya ako papunta sa kung saan.

Nang marating namin ang field ay nakita ko si Aewyn na inaawat yung dalawa. Kumawala ako sa pagkakahawak ni Alex at agad na nilapitan sila.

Halos bugbog na silang dalawa. Pero mas nag-alala ako nang nakita kong nagsuka na ng dugo si Zadkiel.

Agad kong pinagitnaan ang dalawa. Natigil sa ere ang kamao ni Gabby nang bigla kong yakapin si Zadkiel.

"Gabby!" Nagtitigan kami ni Gabby. Inis na napa-atras sya at nagiwas ng tingin. Narinig ko pang nagmura sya ng malutong.

Bumitiw na rin ako sa pagkaka-yakap kay Zadkiel at tinanaw ang pagtalikod ni Gabby. Nagulat ako nang biglang humabol si Zadkiel kay gabi at malakas na hinablot sa kwelyo at sinuntok.

"Ano ba Zadkiel!" Dinaluhan ko si Gabby nang matumba sya. Inis na sinulyapan ko si Zadkiel bago tignan muli si Gabby.

Umuubo na ng dugo si Gabby. Nakaka-awa na sya. Shit! Pina-higa ko ang ulo nya sa lap ko.

"Hindi ko hahayang mapunta sya sayo. Sa ayaw at sa gusto mo, akin sya at hindi sayo," nagtaas ako ng tingin kay Zadkiel. Sinulyapan nya muna ako bago umalis.

Ano bang nangyari?

•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now