Unread 86

8 1 0
                                    

November 23 2018

Keyshey's Point of View

"Aewyn!"

Tawag ko sa kanya ng nakitang kasama si Alex na nag lalakad sa hallway. Nilapitan ko sya at inabot yung isang Ferrero.

"Para saan toh?"

Tanong niya habang nakatingin sa chocolate.

"Para sayo. Geh kainin mo na."

Nakangiti kong sabi at binuksan niya na lang yun.

"Alex, gusto-"

"Para lang yan sayo. Bilis na kainin mo naaa!!!"

Sumunod niya ako at kinain. Parang nag ningning ang mga mata niya ng matikman.

"Ano? May kakaiba ba? Masarap ba?"

Tumango tango pa ito habang ganun parin ang reaction. Okay wala ngang lason. ( * o * ) kinuha ko yung case sa bag ko at binigyan si Alex bago ako kumuha.

"Oyy!"

Napalingon ako at nakita si Gabby na kasama si Zed at Damdam.

"Ano yan? Penge ako bunso."

Agad na kinuha ni Gabby yung ferrero na nasa kamay ko at agad na binaltan saka kinain.

"Akin yun!!!"

"Akin na yun ngayon. "

Sabi niya habang ngumunguya pa. Aist akin yun eh!!! Kumuha ako muli dun sa bag ko at binaltan. Waaaah!!! Nakakatakam. Itsura pa lang mukhang ang sarap na.

"Key ano yan?"

Tanong ni Damiel at itinuro yung chocolate sa kamay ko.

"Ferrero Rocher? Gusto-"

"Sinong nag bigay?"

Biglang sumeryoso ang muka nito at tiningnan ng masama yung hawak ko ng chocolate. Agad niya itong kinuha at syang kinain. Lumapit ito saka kinalkal ang bag kong nakasakbit sa likod. Wait? Wag mong kunin yung chocolates koooo!!!

"You're allergic!!! May allergy ka sa nuts remember? Who the hell gave you this?!"

Nakatigil lang ako habang nakasigaw sya sakin at hawak hawak ung isang case ng chocolate na bigay sakin.

"Hi-hindi ko alam."

Napatungo ako habang pinipigilan ang mga luha kong bumagsak. Ang tanga mo Keyshey, bakit mo nilimutang may allergy ka sa nuts? Naramdaman ko ang pag yakap sakin ng kung sino man at tuluyang napaluha.

"Ang tanga mo Keyshey!!!"

"Hindi ko naman sinasadyang malimutan yun Damiel!!!"

Sigaw ko sa kanya habang nakayakap kung kanino man na yumakap sakin. Humiwalay ito sakin at naramdaman ko na lang ang pag buhat nito sakin ng para bang isang bride.

"Let it out, I'll wipe those tears for you."

Bulong niya at napatingin ako sa kanya. Zadkiel. Lumakad sya at iniwan ang iba.

"Sa-saan tayo pupunta?"

"Somewhere I can be with you without anyone to disturb."

Tahimik lang ako habang naka tingin sa kanya......

From: Damdam
I'm sorry, di ko sinasadya na sigawan ka kanina. ;-;

Basa ko dun sa text message ni Damiel. Bahala sya dyan sa buhay niya.

"Sorry."

Napalingon ako kay Zadkiel na naupo sa tabi ko. Naka tingin lang sya sa lake sa tapat namin. Dito nya ko dinala kanina nung umalis kami sa school. Uwian na naman na nun kaya ayos lang. Inabot niya ang ice cream sakin na ikinatuwa ko.

"Sorry saan?"

Tanong ko sa kanya saka kinain yung ice cream. Wieeeee!!! Cookies and Cream.

"Tsk."

( -____- ) anong problema niya?

Zadkiel's Point of View

Hindi ko sinagot ni Keyshey at pinanood lang syang kainin ang ice cream niya.

"Bakit, gustong gusto mo ang cookies and cream?"

Tanong ko sa kanya.

"Ahmm. Actually di ko naman talaga favorite toh eh. Nasanay lang ako kasi mostly sa mga flavor ng ice cream may nuts. Alam mo na may allergy nga ako."

Sagot niya. Nakatingin siya sa lake at halata ang sarap sa muka niya habang kinakain iyon.

"Nasanay lang ang dila ko sa flavor na toh."

Ngumiti siya at tiningnan ako. Her sweetest smile. Inilapit ko ang muka sa kanya na ikinagulat niya.

"Za-zadkiel."

"Hmm?"

Lalo ko pang inilapit ang muka ko at napapikit siya. I touch her cheeks and kissed her forehead.

I'm sorry Keyshey....

Gabryelle's Point of View

Di kalayuan nakita ko sila Keyshey at Zadkiel dito sa park malapit sa lake. Napaka lapit ng muka nila sa isa't isa. Lalo pang inilapit ni Zadkiel ang muka niya at napapikit si Keyshey. Hinawakan nito ang pisngi niya at hinalikan ang noo.

A part of my heart aches when I see them like that. Gusto ko syang sungaban at bigyan ng isang malakas na suntok pero bakit? Bakit di ko magalaw ang katawan ko?

"Ang tanga mo nanaman Gabryelle."

Bulong ko....

•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now