July 18 2018
Keyshey's Point of View
Naiiling na tinignan ko si Gabby na natutulog dito sa clinic.
"Kamusta sya doc?"
"Okay naman sya. Dahil siguro sa pagod kaya nahimatay sya," nilingon ko yung doctor.
"Kelan po sya magigising?"
"Baka maya maya pa."
Umalingawngaw ang bell sa buong school. Senyales na magsisimula na ang next period.
"Pumasok na kayo. Bisitahin nyo nalang ulit sya mamaya," tumango kaming tatlo at pumunta na sa room.
"Ano bang nangyari, Aewyn?" Bungad ko nang paakyat na kami sa hagdan.
"Bigla kasing sinapak ni Zadkiel si Gabby,"
Si Zadkiel? Sasapakin si Gabby?
Parang di naman kapanipaniwala yon?
"Bakit daw?"
"Ewan. Basta nung una, bugbog sarado si Gabby. Himala nga at napuruhan din nya si Zadkiel,"
Pumasok na kami sa classroom at naupo sa kanya kanyang upuan. Nasa gilid ko si Alex habang nasa harap naman namin si Zadkiel. Nang makaupo ako sa upuan ko ay nilingon ako ni Zadkiel.
"Keyshey——"
Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya nang pinutol ko.
"Bat mo sinugod si Gabby?" Titig na titig lang ako sakanya. Nagiwas sya ng tingin nago sumagot.
"Trip ko lang. Bakit?" Bumagsak ang balikat ko at hindi na sya pinansin.
Kinausap naman nya si Alex at hiningian ng alcohol. Nag iwas ako ng tingin nang si Alex na mismo ang naggamot kay Zadkiel.
•u n r e a d•
YOU ARE READING
Mark As Unread
Teen FictionDo you want to mark this conversation unread? Mark As Unread || Cancel