Unread 49

13 2 0
                                    

August 3 2018

Keyshey's Point of View

"Okay, so ngayon na yung sinabi ko sainyong performance task nyo about sa topic natin this week," panimula ng teacher namin.

"Dala nyo na ba yung mga kailangan ninyo? Kompleto ba yan?" Sabay sabay kaming sumagot sa tanong ng teacher sa harap namin.

"Then, let's start na. Boys ang me-makeup-an. Bahala na kayo kung gaawin nyong pambabae ang make up ng model nyo. I will be back after 1 hour at dapat pagbalik ko, tapos na kayo," hinintay ko munang makalabas ang teacher bago tumayo.

"Aleeeeeexxx! Pano yan? Wala si Aewyn?" Tumingin saglit saakin si Alex.

"Edi iba nalang," napasimangot ako sa sagot nya. Ang galing talaga nyang kausap.

Napatingin naman ako sa harapan ko at nakita ko si Zadkiel na nag babae ng kung ano. Malamang textbook na naman. Wala namang ginawa yan kundi mag-aral. -__-

"Zed——"

"Ayoko," napasimangot ako nang putulin nya ang sinasabi ko.

"Wala pa nga eh," pabagsak nyang binaba yung textbook nya at nilingon ako.

"Gusto mong ako maging model nyo diba?" Dahan dahan akong tumango. "Ayoko."

Umiwas ako ng tingin at palihim na napa-irap, "Edi si Gabb——"

"Tsk. Oo na. Sige na. Ako na," napalingon ako sakanya nang tumayo sya at lumipat sa upuan ni Alex.

"Sigurado ka, Zed? Ikaw magiging model ng group natin?" Hindi pa makapaniwalang sabi ni Alwx habang inaayos yung make ups.

"Ano pang magagawa ko? Eh pinilit ako nyang kaibigan mo," bahagya nya pa akong sinulyapan patagilid. Kumunot ang noo ko.

"Hindi naman kita pinilit a——"

"Magsisimula ba kayo o hindi?" Naiinip na putol na naman nya sa sinasabi ko.

Napalabi ako. Ang hilig nyang putulin yung mga sinasabi ko |( ̄3 ̄)|

"Kesh, bilis na. Ikaw ang ma-alam sa kaartehang to," tumabi si Alex at tinulak ako sa harap ni Zadkiel. Muntikan pa akong masubsob sa pagtulak nya.

Bumuntong hininga nalang ako at sinimulan nang makeup-an si Zadkiel. Seryoso lang ako sa pagme-makeup kay Zadkiel. Tinutulungan naman ako ni Alex sa mga kailangan ko. Paminsan minsan din ay tinatanong ko ang opinyon ni Alex.

Yung iba naman naming ka-grupo ay vini-video yung pagme-makeup ko kay Zadkiel. Ie-edit nila yon para sa project namin. Gagawa sila ng parang tutorial video sa pagme-makeup.

Lumayo ako ng bahagya kay Zadkiel at tinignan yung eyeshadow na ginagawa ko.

Di pantaaaaayyy.

Muli kong nilapit ang mukha ko sa mukha ni Zadkiel. Akmang papantayin ko yung eye shadow nya pero bigla syang dumilat.

Nagkatitigan kami. Natigilan ako sa ginagawa ko. Homayghaaaaadddd! Parang yung sa hospital toooooo!!

I bit my bottom lip. At dahil sa ginawa ko ay nakita kong napa-baba ang tingin nya sa labi ko. Na-temp din akong tignan yung labi nya. Sabay pa kaming napalunok.

Jusko kaaaaa!

Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

"Oy Kesh, ano na? Malapit na matapos yung one hour," natauhan ako sa biglang tapik ni Alex sa balikat ko.

"M-malapit na," at tinuloy ko na yung pagme-makeup sakanya.

Isa pa talagaaaaa.

Isa pang paglapit ng mukha namin, nakooooo!

Baka di ko mapigilan yung nararamdaman ko.

•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now