Unread 32

15 2 0
                                    

July 8 2018

Keyshey's Point of View

Kanina pa ako nanonood dito sa private room na kinuha nila mama. Wala akong magawa dahil sa dextrose na nakakabit saakin. Halos hindi nga din ako tumatayo dahil laging nandyan si mama para gawin ang mga gusto kong gawin. Kada gusto kong kumain, binibigyan ako pero crackers lang.

Tapos totoo pala talaga yung walang lasa yung pagkain sa hospital. Pinauwi ko nga mama para magluto ng kakainin ko mamayang lunch eh.

"Keysh," nilingon ko si papa na sinusuot yung necktie nya.

"Po?"

"Papasok muna ako sa trabaho ah. Padating na rin ang mama mo. Baka malate ako eh," tumango nalang ako. Lumapit sya saakin para halikan ako sa noo. Nagpaalam na ulit sya at umalis na.

Huhuhuhu! T^T Magisa nalang akoooo!

Pinatay ko nalang yung tv at natulog ulit.

"Keysh," napangiwi ako nung bahagya akong yugyugin ni mama para gisingin.

"Ma naman ih. Natutulog ako ih," angal ko.

"Nandito si Zadkiel," napa-upo ako sa di oras nang sabihin ni mama yun.

"Z-Zadkiel," napalunok ako ng bahagya. Jusq kaaaaaa! Pasimple kong tinignan yung itsura ko sa salamin sa may gilid ng kama. Buti naman at maayos ang itsura ko. Shet lang talaguhhhh! "A-anong ginagawa mo dito?"

"Bababa lang ako ah," tinanguan ko si mama na iniwan na kami.

"Ba-bakit ka nandito?" Nauutal kong tanong sa kanya. Tumungo ito sa upuan sa tabi ng bed ko at tiningnan lang akong maigi.

"Ang payat mo na agad."

"Ah aaray! Ang chakit, ano ba?"

Ngumiti lang ito sakin pag katapos pisilin ang pisngi ko.

"May sakit na nga yung tao tapos sasaktan mo pa?" Reklamo ko sa kanya saka pout. |( ̄3 ̄)|

"Ba't ka nga nandito?" Pumilit kong tanong sa kanya.

"Narinig ko kanina kay mama na naospital ka kaya nag prisinta ako sa mama mo na bantayan ka muna."

Ramdam ko ang pag init ng muka ko ng marinig ang sagot nya. Wieeeeee!!! Kakeleg nanaman!!!

"May pasok pa mamaya ah."

"Tsk, naospital lang naging tanga na? Friday po ngayon, half day lang ang klase."

Antsaki. Tanga talaga??? Hindi ba pwedeng nalimutan lang??? Ang bad mo sakin Zediii!!!

"Oh, ba't ganyan ang muka mo?"

Hindi ko sya pinansin at at nahiga saka itinalukbong ang Kumot. Bahala ka dyan, bwiset ka!!! Di na kita crush!!!

"Keyshey."

Nanigas ako ng maramdaman ang hininga niya sa tenga ko.

"Oyy."

Dahan dahan kong inalis yung kumot at hinarap sya.

Oh my gosh. 0 o 0

Ang lapit ng mga muka namin!!!

"Keyshey!!! Bakit di-"

Agad kong naitulak si Zed ng marinig ang boses ni Alex. Nakatingin sila samin ni Zadkiel, si Aewyn at Gabby kasama din niya.

"Ehem. Penge ngang tubig Aewyn, nasamid ako. " kunwaring nag uboubuhan si Alex at pinag hahamapas si Aewyn.

"Ito oh, tubig." Napa tingin ako kay gabby na ngayon lang nag salita At napaka seryoso ng muka. Parang masusuntok na niya si Zed once na lumapit sya.

"Ba't di mo sinabi na na hospital na pala Keyshey??? Alam mo bang halos patayin ako ni Gabby ng di ko masabi kung saang ospital ka naka confine!!!"

Bulyaw sakin ni Alex at lumapit sa pwesto ko. Tiningnan niya si Zed at ngumuso. Parang sinasabing paupo sya. At umalis naman si Zed.

Waahhh!!! Wag mo akong iwan Zed!!! Mahal parin kita!!!

Nag paalam naman sakin si Zadkiel na lalabas daw muna sya at tinanguan ko lang sya.

Tiningnan ko si Alex Ng napaka sama at tiningnan niya din ako ng masama bilang ganti.

"What?"

Inirapan ko lang sya at nakita ko namang lumapit si Aewyn sa pwesto ko. Asan si Gabby?

"Asan si Gabby?"

"Lumabas. May tumawag sakanya."

Huminga na lang ako ng malalim saka ko muling naramdaman ang sakit ng dibdib ko.

Napakapit ako bigla kay Alex ng mahigpit habang nakahawak sa dibdib ko.

Hindi ako makahinga.

"Hoy, Keyshey ayos ka lang? Keyshey!"

Narinig ko ang biglang pag bukas ng pinto at pumasok si Gab kasunod si Zadkiel.

Naluluha na ako habang pilit na Hinahabol ang hininga ko.

"Keyshey! Keyshey!!! Look at me!"

Iniangat ko ang tingin ko kay Zed at mababakas na dito ang pag aalala.

"Tawagin niyo si tita, tumawag na din kaya ng doctor!!! Bilisan niyo!!!"

Tumingin ulit ito sakin at hinawakan ako sa balikat.

"Anong masakit? Tell me keyshey."

Napahawak ako sa dibdib ko at tila lumabo na paningin ko. I still can't breathe

"Za-zadkiel "

Huli kong nasabi at nawalan ng malay.

•u n r e a d•

Mark As UnreadWhere stories live. Discover now