Chapter 7

978 17 4
                                    

"Kristine." saad ng isang boses na kinakatakutan ko. Si Dad, boses ni Dad yun. Pagpasok ko, andun nga talaga si Dad kasama sila Ricci na nakatingin sakin na parang humihingi sila ng sorry. Pumasok ako ng dahan dahan, at inilagay sa table ang mga pinamili namin ni Brent. Lalapit palang ako kay Dad, para magbless pero iba ang natanggap ko sa kaniya. Isang malakas na sampal.

Tinignan ko si Dad na ngayon ay galit na galit na nakatitig sakin, nakita ko ang mga reaksyon nina Prince at parang naging statue na sila sa kinatatayuan nila.

"For pete's sake Kristine! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?! Uuwi ka ng Pilipinas nang wala akong kaalam alam. Grow the fuck up Kristine!" sigaw niya sa akin na parang hindi niya ako anak.

Napaatras ako kasi nararamdaman kong tutulo na ang luha ko, pero naglakas na ako magsalita dahil minsan lang kami magkaroon ng ganitong oras. Kadalasan kasi pag galit siya sakin, sasagot ako pero pipigilan na ako ni Kuya dahil ayaw ako makita ni Kuyang umiiyak talaga. Ewan ko ba, kahit ilang beses akong saktan ni Dad mahal ko parin siya kahit punong puno na ng galit ang puso ko. Galit ako sa kaniya, sa lahat ng ginagawa niyang kabalastugan.

"Bakit ka andito?" sagot ko sa kaniya nang nakangiti. "Really, Dad? Ganyan ang bati mo sakin. Aren't you happy to see me?" nakangisi kong sagot sa kaniya. Tinitigan ko siya at nakikitang nagpipigil siya ng galit niya, hinawakan niya ang braso ko at marahang pinisil to.

"Let go. Let go Dad." pagpipiglas kong sagot sa kaniya. Pinipilit kong alisin ang kamay niya pero masyado syang malakas.

"Dad, bitaw." sagot ko sakaniya at nararamdaman kong mas lalo niyang hinihigpitan ang hawak sa braso ko. Tinignan ko siya at ganun pa rin ang mata niya sakin, na parang tinutusok na niya ang puso ko. Nasasaktan na ako, pero ayokong ipakita sa kaniya.

"Kailan ka titino Kristine! Utang na loob! Bigyan mo naman ako ng onting dignidad. Puro ka bagsak sa exams mo, tapos ang lakas ng loob mong umuwi dito. Are you even thinking straight right now? You're being unreasonable. Bukas na bukas babalik ka sa London, you ungrateful bitch." sagot niya sakin, nanghina ako na parang ayoko nalang kumibo pero ito na yun eh. Maglalakas loob akong magsalita.

Pinilit ko na tanggalin ang kamay niya sa braso ko, at natanggal ko rin naman ito sa wakas. Tinignan ko ang marka ng kamay niya sa braso na ikinapasa naman kagad. Napangisi ako sa mga binibitawan niyang salita ngayon.

"Really Dad? Ako? Ako ang hindi matino? Sino ba sa atin ang naguuwi nang kung sino sinong babae ha?!" sagot ko sa kaniya, halatang nagulat siya sa sinabi ko at dun, nakaramdam na naman ako ng sampal sa muka ko. Aray ah. Nakakarami na. Napangisi ako sa ginawa niya.

"Stop fucking my life, Kristine. I'm warning you. Uuwi ka sa London, sa ayaw at sa gusto mo!" pagalit niyang baling sa akin.

Nung sinabi niya yung words na yun, naalala ko sina Brent na hanggang nakatingin lang samin. Tinignan niya ako at kitang kita ko sa mata niya ang pagaalala. Pero tumango lang ako.

"No Dad, fuck you." diin kong sagot sa kaniya, at ikatlong beses na naramdaman kong tumama ang kamay niya sa muka ko. Tinignan ko siya ng masama. Pigil na pigil ang galit ko.

"How dare you? Kristine! Hindi kita pinalaki ng ganyan! Bastos kang babae ka. Pagkatapos kitang alagaan tapos ganto igaganti mo sakin?! You ungrateful dumb bitch, wala ka sa kinatatayuan mo ngayon kung hindi sa akin." right then and there, hindi ko na kaya.

"Talaga ba? Ikaw ba talaga yan Dad? Hindi ikaw yan, demonyo na tong nasa harap ko. Anong karapatan mong sabihin sakin na magtino ako? Of all people sayo pa talaga galing yung word na magtino. Hindi mo man lang ba ako kakamustahin? Anak pa ba ang tingin mo samin nila Kuya? I'm not being ungrateful bitch Dad! Ever since lahat ng gusto mo ang sinusunod ko, kahit alam kong ikasisira ng pangarap ko to. Alam mo mismo na hindi ko pinangarap maging lawyer. You don't know what I'm going through right now. So stop pushing me to my limit Dad, hindi mo magugustuhan." sagot ko sakaniya at dahan dahan kong tinanggal ang jacket at inangat ko ang tshirt ko. Nakita kong gulat na gulat din sila Brent sa nakita nilang mga pasa sa katawan ko.

Sahia for three!  | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon