Chapter 3

1.2K 24 0
                                    

One week later...
June 12 2017

Brent Paraiso's POV:

Nakakapagod! Inayos ko yung extrang kwarto dito sa dorm, para kay Jace. Mamaya na rin ang dating niya, kaya todo linis kami nila Kib. Nabanggit ko na rin kasi sa kanila yung nangyari kay Jace, naintindihan naman nila. At ngayon, kasama ko pa sila magayos ng mga gamit.

(Magiging bedroom ni Jace)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Magiging bedroom ni Jace)

*KristineKrung♡ calling*
accept.
2:45PM

"Brent!" masayang tawag ni Jace saakin. Halatang masayang masaya eh, nakatakas na sa malupit niyang professor.

"Oh bakit? Andito ka na ba?" mahinahon kong sagot sa kaniya.

"Hindi pa, 5PM pa." sagot niya sakin.

"Sige, sige. Tawagan mo ko ulet ah? Pag andito ka na. Para sunduin na kita sa Airport! See you soon Jace!" masaya kong reply sa kaniya.

"Excited na ako. Namiss ko na si Kuya Kristan at Jake." mahinahong banggit ni Jace.

"You'll see them soon, nasa Bangkok pa sila eh. Isang buwan nalang naman. Tiis tiis muna! Haha! Nga pala, I'll introduce you to my friends mamaya, they're excited to see you." masayang kong bati sa kaniya.

"I'm nervous though, haha. Anyways, tatawagan nalang ulet kita. Bye!" sagot niya bago pa ako nakapagpaalam, binaba na niya kagad ang tawag.

Pagkababa niya ng tawag, saka naman may nag-doorbell. Lumabas naman ako ng kwarto ni Jace at binuksan yung pinto. Pagbukas ko ng pinto, si Kuya Prince, Ricci at Rasheed ang bumungad sakin. Ang lalaki ng mga ngiti ng mga mokong na 'to.

"Bakit andito kayo?" pagsusungit ko sa kanila na tila parang may hinahanap sa buong dorm. Aba, hindi ako pinansin ng tatlo.

"Huy, bakit ba kayo andito?" sunod kong tanong sa kanila. Tinignan ko si Kuya Prince at Rasheed na nagmamadaling umupo sa sofa. Samantalang si Ricci, pumasok sa kwarto ni Jace. Mga ogag talaga tong mga to eh.

"Uy, Brent!!" madaling sigaw ni Ricci sa akin, tumakbo ako sa kwarto ni Jace at tinignan siya.

"Bakit?" malumanay kong tanong sa kaniya. Tinignan ko sya, halatang kinikilig ako loko.

"Wala wala. Hahaha" pabirong sagot nito. Saka naman siya lumabas sa kwarto at umupo sa dining table.

Loko talaga to eh, pag tinopak. Haha! Lumabas na ako ng kwarto, at nakita kong kumakain na sila ng burger.

"Uy, uy pahingi! Ang dadaya niyo ah! Dorm namin to eh, tapos kakain lang kayo nang walang pasabi" Pagmamaktol kong reklamo sa kanila. Pinagtawanan lang ako ng mga mokong.

Sahia for three!  | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon