Chapter 27

722 23 3
                                    

2 Months later...

Nagising ako nang narinig kong may kumatok sa pinto. Napatayo ako at dahan dahang naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko ito at isinilip ko lang ang ulo ko para tignan kung sino ang kumatok.

Medyo mahaba haba din ang tulog ko simula nung nakabalik ako dito sa London. Mga 2 months narin ako dito. Hindi pa ako nagma-mall at clinic lang ng doctor ko ang pinupuntahan ko, minsan siya pupunta dito. Nung nakarating ako dito sa London, wala sila Jake at Andree dahil pumunta daw sa in-laws nila sa Scotland. Bale 2 months na pala silang nasa Scotland, iniwan nila sa akin yung nanny nila. Si Joshienne at Marleigh Magkapatid si Joshienne at Marleigh, pinsan sila ni Andree. Bale pag chinecheck up ako, sila yung kasama ko lagi. Matanda lang ako ng 1 year sa kanila. Mababait naman sila, at sobrang caring nilang dalawa sakin. And I'm thankful for that.

Sinilip ko ang kumatok at nakita kong nakatingin sa akin si Marleigh.

"Pasensya na po sa abala, Ate. Andyan na po sila, kasama po yung pinsan niyo na lagi niyong kinukwento sa amin. Si Sir Brent po Ate."

"Sige, pasabi susunod na ako. Saka maghanda kayo ng kakainin nila, magaayos lang ako" sagot ko sa kaniya at isinara ko na ang pinto.

Oo nga pala, ngayon ang dating nina Tita Abi. May 1 week break daw sina Brent kaya naisipan nilang bisitahin ako dito. Hindi ko namalayan na ngayon na pala yun. Pero ang alam ko hindi kasama lahat. Ang mga nakasama lang ata ay sina Tita Abi, Tito Pao, Brent, Prince, Riley at syempre si Ricci.

Hindi nakasama si Rasheed kasi pinaiwan siya para magalaga dun kina Ashton. Gusto din naman daw niyang maiwan dahil ang dami niyang school projects.

Lagi nila akong kinakamusta, minsan tatawag sina Tita Abi sa akin. Pero hindi ko sinasagot pag video call, kasi ayokong makita nilang maputla ako. Sobrang laki din ng pinayat ko. Pero sa kanilang lahat, si Ricci lang lagi yung nakakavideo call ko kasi yun talaga ang mapilit. Walang araw na hindi kami nagvivideo call, dahil gusto niya talagang makitang okay ako. One time, tumawag siya sakin habang nagdadrive pauwi ng training. Nakita niya nakasaksak yung IV Dextrose sakin, nagmadali kagad umuwi dahil gusto akong bantayan. Sabi pa niya "hindi ako matutulog, babantayan kita." At totoo nga. Binantayan ako, umabot siya ng 2am, pero sabi ko matulog na siya dahil sobrang pungay na ng mata niya.

After ng Tagaytay trip naming dalawa, mas naging strong ang bond naming dalawa. Minsan magiiwan ng maraming messages sa akin pag nasa training siya, minsan naman magpapaalam siya sa akin pag gagala sila. May mga times na nagkakaroon ng misunderstandings pero inaayos din namin kaagad. Wala na sa picture si Bea, pag magkausap kami ayaw na niyang inoopen up. Kahit kinukulit ko siya tungkol kay Bea, ayaw na niya talaga. Ayaw na din naman niya ako mastress, pinapagalitan nga niya minsan sina Marleigh pag hindi nila ako mapilit na kumain. Gusto niya lagi siyang binabalitaan nina Marleigh, lahat ng schedules ko alam din niya.

Simula talaga nung umalis ako ng Pilipinas, mas gusto niyang hands on siya sakin. Pinapaalalahanan niya sina Marleigh sa mga gamot ko, checkups, appointments. Kasi pag may nakakaliktaan sila sa mga kailangan ko, tatawag yun kaagad sakin asking me if I'm okay. Ganun siya ka-maaalahanin.

Special kami sa isa't isa, pero hindi pa namin masabi in a relationship na kami kasi minsan may priority-ng iba na kailangan gawin. Kumbaga alam naman namin sa isa't isa, na tinuturing namin ang isa't isa na super special talaga. Minsan magsesend siya ng super haba ng message, then all of a sudden sa last paragraph may makikita akong "I love you, J." yung mga ganun bagay..

Kasi minsan, sa video call kahit nakalagay lang yung phone sa harap niya habang naglalaro ng PS4, siya mismo ang nagoopen up ng mga topic. Then minsan magpapaalam pa siya sakin pag niyaya siya nina Brent na uminom sa Valkyrie. Pero minsan, hindi ako pumapayag lalo na pag kaka-tapos ko palang ng session ko sa Chemo. Kasi nanghihina talaga ako pag ganun, sa video call babantayan niya talaga ako. Nakakatuwa at may halong kilig kasi never ko pang naisip na hindi lahat ng bagay makukuha in an instant, may mga bagay na mapupunta sayo ng kusa. Just wait.

Sahia for three!  | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon