Nakapikit lang ako during the whole eulogy nang mga taong nakasama nina Kuya at Jake. Nakasandal lang ang ulo ko sa shoulders ni Brent na ramdam kong kanina pa umiiyak.
"Paalam, mahal ko. Mahal na mahal ka namin ni baby tintin." huling sagot ni Ate Kristelle sa kaniyang eulogy. Dumilat na ako at tumingin muna ako kina Ricci na nasa likod ko. Nakita kong nakatingin sakin sina Tita Abi at Tito Pao na nakangiti. Tumango lang ako at naglakas loob nang tumayo. Dahan dahan akong tumayo at sumalubong sa akin si Ate Kristelle at baby Tin. Niyakap ko silang dalawa at naglakad na ako sa harap kung nasan si Tita Bernadette na hawak ang mic. Huminga muna ako ng malalim bago ko kunin kay Tita ang mic. Tumingin ako sa lahat ng taong nasa loob ng chapel. Marami rami rin pala ang pumunta halos puno na rin. Mamayang madaling araw na rin ang alis ko papuntang London. Nakita ko namang nasa harap din si Dad pero magkaibang side kami sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin ng walang reaksyon.
Inilibot ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang lahat ng mga bumisita bago ako nagsalita. Ngumiti muna ako bago magsalita, tinignan ko si Ricci na nakatingin sakin at tumango.
Kinuha ko ang mic at naglakas loob ng magsalita."Uhm, good evening to each and everyone of you here. First of all, gusto ko lang pong magpasalamat sa mga taong bumisita, nakipuyat at nakisama sa mga huling araw ng aking mga kapatid. Thank you, sa lahat ng mga tumulong na i-arrange lahat ng mga ito. Sa mga nakiramay, sa mga ka-workmates ni Kuya, sa mga schoolmates ni Jake, sa mga teachers na walang sawang alagaan si Jake habang wala po ako. Thank you so much." huminga ako ng malalim bago magpatuloy magsalita.
"Back when I was a really really small child. Alam ko sa puso ko na I wanna be that kind of daughter na strong enough to repay all the things that my parents gave me. Ako yung tipong gusto kong matutunan lahat ng bagay ng mag-isa, I'm not that kind of person na laging hihingi ng tulong. Buong buhay ko, ganun na yung gusto kong set-up ng life. Pero lahat yun nagbago, nung ipinanganak ni Mama si Jake. Growing up, si Jake yung nagbago ng pananaw ko sa buhay, he showed me that may mga panahon na ikaw ang iintindi imbis na ikaw ang iintindihin. He showed me na mas okay na magbigay sa iba kesa sa ako yung tumanggap, mas okay na yung mawalan ako kesa yung iba ang mawalan." pinunasan ko muna ang luha ko bago ipagpatuloy ang mga sasabihin ko.
"All my life, nakatatak na sa isip ko na kung hindi ako magkakaasawa, sasama ako sa Kuya at sa kaniya kami titira ni Jake. All my life, sila yung mga taong handang damayan ako all throughout my journey in life. Ang kuya, siya yung tipong seryoso sa trabaho pero paguwi sa bahay, mas mukang bata pa siya kay Jake lalo na pag naglalaro ng mga board games. Siya yung kuya na hindi ko man nakakasama everyday, ipaparamdam niya sakin na lagi siyang nasa tabi ko. Which I'm thankful for." pinunasan ko muna ang luha ko bago nagsalita ulit.
"Ang Jake naman, he is my source of happiness. He taught me to love others, he taught me to appreciate every little thing in life. He taught me to say thank you to every people that made me smile or made me felt loved. Silang dalawa, yung taong handa akong ibigay ang buhay ko para lang mabuhay sila. Pero, hindi ko na nagawa. Wala na sila. Wala na ang kuya ko at ang bunsoy ko. Paano na ako?" hindi ko na nakayanan at napahagulgol na ako. Ilang minuto din naging tahimik ang lahat, nakita kong tumayo si Ricci sa kinauupuan niya pero pinigilan ko siyang lumapit sa akin at naglakas loob na akong magsalita ulit.
"Kuya, Jakey ko. Ayokong magalala kayo sa akin, magiging okay din ako. Mahal ko kayong dalawa, miss ko na kayong dalawa. Miss na miss. Hindi ko na pahahabain ang mga sasabihin ko. Kayo na bahala kay Mama. Jake, Kuya. See you soon and I love you. Mahal na mahal ko kayo. At kuya, ako na bahala kina Ate Kristelle ha? Ako na bahala dun, wag ka na masyado magisip jan. Okay sila. Lagi namin kayo bibisitahin, okay? Hanggang sa muli, paalam. Mahal na mahal ko kayo." sagot ko bago ko ibigay kay Tita Bernadette ang mic. Niyakap ako ni Tita Bernadette at naglakad na ako pabalik ng upuan nina Ate Kristelle. Niyakap ko siya at umupo after. Tumabi si Ricci sakin at sumandal ako sa shoulders niya. Hindi ko nalang pinigilan ang pagtulo ng luha ko, dahil for sure mas mahihirapan ako pag mas pinigilan ko pa ngayon.
BINABASA MO ANG
Sahia for three! | Ricci Rivero
FanfikceA story about a teenage girl who fell out of love, but regained it back by a famous basketball player in the Philippines. Kristine Jace Paraiso, 20 years old. MVP Volleyball player of the University of Cambridge. Decided to take a break from her str...