Ricci's
Iniwan muna namin si Jace na magpahinga dahil matagal-tagal pa daw yung epekto nung pamanhid sa katawan niya sabi ni Joshienne. Kaya bumaba muna kami para kumain, sakto namang kakatapos lang din ni Prince na maligo.
"Sir Brent, handa na po yung pagkain." sagot samin ni Joshienne na naghahain ng plato sa table. Ngumiti ako at naglakad papunta sa dining area nang magsalita si Brent.
"Huwag niyo na akong masir-sir, okay na ako sa Brent. Ano ka ba? Bisita lang din naman kami dito." ngumiti si Brent at umupo na sa tabi ko. Si Prince naman katabi ni Brent sa kabilang side. Kumakain lang kami ng biglang tumunog yung landline sa may kitchen. Naglakad si Joshienne at sinagot ito. Hindi namin marinig kung ano ang sinasabi ng kausap niya pero may mga part na tumatahimik ako para marinig ko ang sinasabi niya.
"Hello po? Yes po, si Joshienne po ito... Yes po, doctora.. Opo. Naginject po ako ng isang syringe lang... Yes po... Opo, induced parin po siya till now... Opo, makakarating po... Sige po." binaba na niya yung telephone at humarap sa laptop na nakalagay sa may countertop nila.
May tinype siya saka siya umalis. Nung tignan ko siya naglakad siya sa may paakyat ng hagdan at tuluyan nang umakyat. Nang makaakyat siya, nabulabog ang katahimikan nang magsalita si Kuya Prince.
"Grabe na pala sakit ni Jace noh?"
Nababa ko yung spoon at fork para humarap sa kaniya. Si Brent naman nasusubo palang, napatigil din.
"Paano mo nasabi Kuya?"
Nagkibit balikat lang si Kuya Prince at kumain na kagad. Pagsubo niya ng isa, ngumuya muna siya bago magsalita ulit.
"Well, may narinig lang ako kanina nung inakyat niyo siya. May sinabi si Marleigh kay Mama, pero hindi ko masyado narinig. Ang narinig ko lang, malakas pa yung katawan niya pero some parts of organs are slowly weakening." Bumuntong hininga muna si Kuya Prince at tumingin sakin.
"Alam mo ba, mahal na mahal ka ni Jace. Hindi ko alam kung anong gayuma pinainom mo sa kaniya. Pero simula nung mas naging close kami, mas kapansin-pansin na may gusto siya sayo kahit lagi siyang nasasaktan sainyo ni B. Hindi niya lang masabi sayo kasi alam niya hindi ka niya makakasama sa pagtanda mo. Kung alam mo lang, nung nagaway kayo. Nagmessage siya sakin habang nasa gym ako with Dad. Iyak siya ng iyak, kasi parang naramdaman niya na hindi niya deserve yung love mo. Ricci, alam mong seryoso ako sa ganitong situation. Kaya sinasabi ko sayo. Pabasa ko nalang sayo yung messages namin. Pero kumain muna tayo." tumango lang ako at kumain narin.
Naging tahimik kaming tatlo after magsalita ni Kuya Prince. Napaisip narin ako at naalala yung unang beses na nagaway kami ni Jace.
throwback..
Kakatapos lang ng training namin nung makita kong may message si Jace sa phone ko. Uminom muna ako ng gatorade bago umupo at basahin yung message niya.
Pagupo ko, bigla namang tinawag ako ni Brent kaya napatingin ako sa gawi kung nasan sina Brent. Napatayo ako sa nakita ko. Si Bea, nakangiti at naglalakad papunta sa akin. Nabitawan ko ang phone ko nang bigla siyang bumeso.
"Hey. Long time, cci."
"Uh hi."
"So, how's training?" sagot niya sakin nang bigla niyang niyakap ang sarili niya sa akin habang pinipilit na hahalikan ang lips ko.
"Bea, stop." tinitigan ko siya nang makita kong nag-thumbs up siya sa isang babae na may hawak na camera at nakatutok samin. Tinulak ko siya ng mahina, dahilan para lumayo siya sakin. Inayos niya yung buhok niya at naglakad na palayo.
"Well, good luck anyways. Bye." maarte niyang sagot sa akin bago lumabas ng court. Napaupo ako at napasapo sa ulo ko nang narinig kong tumakbo sina Brent papalapit sakin.
BINABASA MO ANG
Sahia for three! | Ricci Rivero
FanficA story about a teenage girl who fell out of love, but regained it back by a famous basketball player in the Philippines. Kristine Jace Paraiso, 20 years old. MVP Volleyball player of the University of Cambridge. Decided to take a break from her str...