Chapter 29

599 12 0
                                    

Tuesday

Halos 3 araw din akong inaalagaan nina Ricci, lalo na sina Tita Abi at Tito Pao. At sobrang nakakatuwa kasi nage-effort silang alagaan ako kahit minsan napupuyat sila. I'm still thankful, kasi kahit hindi ko pa sila nailalabas, naiintindihan nila. I know I'm a burden pero never nilang pinaramdam sa akin na pabigat ako, at alam kong ang laking adjustment nun sa kanila. I love them, so much.

Ngayon, it's 10:47am already. Kakagising ko lang at napansin kong walang tao ngayon dito sa kwarto. Kaya naisipan kong lumabas ng kwarto at sa baba nalang kumain. Pag-upo ko palang ay nakaramdam na ako kaagad ng hilo, pero tiniis ko nalang at dahan dahan muna akong naglakad papasok ng bathroom para makapag-toothbrush lang muna bago bumaba. Minutes passed, natapos na akong magtoothbrush at dahan dahan na akong naglakad papuntang hallway.

Kalagitnaan palang ng paglalakad ko sa hallway nang may narinig akong sumisigaw.

"No, dad! Hindi nila pwedeng gawin 'to sa amin. D-dad! Alam mo yun! Never naming ginawa yun, yes we drink hard pero doing that, never in my entire life na gagawin namin yun Dad."

si kuya Prince yun. Mas binilisan kong maglakad habang nakakapit sa rail dito sa hallway, unti unti kong sinilip kung ano ang nangyayari sa baba. Nakita ko si Tito Pao na nakatayo at kausap si Kuya Prince, habang si Tita Abi naman nakaupo sa lapag at yakap yakap si Brent na umiiyak. No signs of Ricci. Naglakad ako sa may pababa ng hagdan.

"Tito? Ano pong nangyayari?" napatigil silang lahat nang makita akong pababa ng hagdan. Tinignan ko sila isa-isa at nakita kong patakbo sa akin si Brent at nagpupunas pa siya ng luha. Nang hawakan niya ang kamay ko, hindi niya ako tinignan sa mata at tinulungan lang akong makababa sa hagdan. Binulungan niya ako pero sa may kitchen lang siya nakatingin "Mamaya na ako mageexplain. Kailangan ka ni Cci." Nang makababa ako, hinatid ako kagad ni Brent sa kitchen at dun ko nakita ang lalaking noon pa man ay nagpatibok na ng puso ko. Lalaking noon pa man ay inintindi ako. Inupo ako ni Brent sa chair dito sa may countertop at lumapit siya kay Ricci at tinapik ito para humarap saming dalawa. Nakatalikod kasi sya, at nagluluto kasama si Marleigh pero nakaheadphones siya. Humarap si Ricci sa akin at nang makita niya ako. Tinanggal niya ang headphones at inilapag sa may table at naglakad papalapit sa akin ng nakatungo ang ulo.

"Hello babe, good mo--"

He hugged me while sobbing so hard. Hindi ko alam kung anong nangyari pero ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Niyakap ko siya pabalik at naramdaman kong mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin. Pinapakalma ko lang siya at habang nakaupo ako dito sa stoll habang siya nakatayo. Humarap ako kay Marleigh.

"Towel at water please." dahan dahan namang tumango si Marleigh at kumuha kaagad ng towel at tubig. Habang yakap yakap ko parin si Ricci na umiiyak parin. Nang maiabot ni Marleigh sa akin yung towel at tubig, hindi ko namalayang katabi ko na si Brent nakatungo parin. I tapped his arm using my left arm habang yakap parin ng right arm ko si Ricci.

"Hey. Anong nangyari?" he looked at me sadly pero he just sighed and looked down on the table.

"Pagusapan natin mamaya, anak. For now, pakalmahin mo muna si Cci. Okay?" sagot sa akin ni Tito Pao na nakasandal sa may fridge. Tumango ako at itinuon ko na ulit ang atensyon ko kay Ricci. Nang maramdaman kong medyo kalmado na si Cci dahan dahan kong hinawakan ang cheeks niya na nakabaon sa leeg ko.

"Babe. Sige, iiyak mo lang yan. Then we'll talk, is it okay?" hinalikan ko yung buhok niya bago ko naramdamang tumango siya at inilayo na sa akin ang kaniyang muka na nakabaon kanina sa leeg ko. He looked at me, and as I looked at him magang maga na mata niya. I grabbed the towel and I wiped the tears falling down his cheeks. "Drink this water first okay?" I handed him the glass full of water while looking at him. He grabbed it and slowly drank the whole glass of water. Inilagay niya sa table yung glass saka umalis sa tabi ko't may kinuhang mga plato. Inilagay niya sito sa table. Saka siya tumabi at inabot sa akin yung spoon and fork. "Eat up muna." i nodded at him and start eating the food. Every once a while, I look at him to see what he was doing pero nakatungo lang siya at hinintay lang akong kumain.

Sahia for three!  | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon