Nakatunganga lang ako sa kabaong nina Kuya, nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko.
text message from T.
Hey, I'm so sorry. Pinapauwi na pala ako ni Dad, aalis daw siya for a trip. Walang maiiwan sa mga kapatid ko. I'm sorry, babawi ako. But can I at least see you before I go? Andito ako sa terrace. I'll wait. :)Napangiti naman ako at tumayo na para pumunta sa labas. Hinanap ko siya at nakita kong nakaharap na siya kaagad sa akin. Lumapit siya sakin at niyakap ako kagad. Pinikit ko lang ang mata ko at nagulat ako ng halikan niya ang noo ko. Napadilat ako ng mata, at tinignan siya. Kumalas siya sa yakap at ngumiti.
"Promise. I'll call later, okay? I gotta go na talaga eh. Sorry." sagot niya sakin at tumango naman ako. Kumaway pa siya sakin bago tuluyang pumunta sa parking lot. Kumaway rin ako at napangiti.
Naglakad ako pabalik at napansin kong onti nalang ang tao. Nasa kalagitnaan na ako nang paglakad pabalik sa loob nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Napatingin ako at nakita kong nakangiti sa akin si Brent.
"Can we talk, Tin?" Uh oh. Looks like I'm in trouble ah. Dahan dahan akong tumango at sinundan ko lang siyang sumakay ng kotse. Binuksan niya yung pinto sa harap dun niya ako pinaupo. Hinintay kong siyang pumasok, sa likod siya naglakad. Hinintay ko na bumukas yung pinto. Nang bumukas to, nagulat ako na si Ricci ang pumasok. Shit.
Pumasok siya at iniabot naman sa kaniya ni Brent yung krispy kreme donuts at yung coffee. Nagulat ako nang biglang nagpaalam si Brent at tumakbo na palayo. Lalabas sana ako pero nilock niya ang pinto.
"Kumain ka na, it's my only way to talk to you privately. Kaya please, hear me out." pagmamakaawa niya sakin nang iabot niya sa akin ang iced coffee.
"Thank you." sagot ko nang makuha ko yung coffee, uminom muna ako at tinignan siya. Mukang nagsisisi talaga siya sa mga sinabi niya, sobrang tahimik niya lang at nakatingin sa akin.
"Wala na sa akin yun, Ricci. Nang makalabas palang ako ng apartment. I don't know pero bigla kong naisip na patawarin ka kahit ang sakit ng mga sinabi mo. Hindi mo man lang ako hinayaang magexplain ng maayos, that picture just shows a bit of what is really happening that time. And you still choose to believe it. Kahit hindi mo talaga alam ang mga nangyari." tinignan ko siya at nakitang nakayuko siya.
"I'm really sorry Jace. Minasama ko pa ang pagmamalasakit mo samin. Sorry talaga." sagot niya habang hawak niya ang kaliwa kong kamay. Tinignan ko siya at tumango ako.
"Pero, don't expect me to trust you quickly. Give me time. Malay mo paguwi ko galing London, okay na ako. Okay na tayo." nakangiti akong nagsalita. Tinignan niya ako at binuksan niya yung box ng donuts.
"Tutuloy ka ba talaga?" pagtataka niya at tumango naman ako.
"Kailangan ko munang mapagisa. Tsaka andun yung pinaka-doctor ko, kaya dun nalang muna ako. Pero babalik naman ako dito, promise ko yun." kumuha ako ng donuts at kinain ko na ito. Ganun din siya.
"Okay, pero makakausap ba kita?" napalingon ako sa kaniya at nakita kong nagseryoso na ang muka niya. Tumango ako at ngumiti.
"Of course, pero depende kung papayagan ka ni Bea." pangasar ko sa kaniya at napakamot siya ng ulo.
"Hindi ko na siya babalikan. Hinding hindi na." sagot niya saka siya tumingin ulit sa akin.
"Huwag kang magsalita ng tapos, Mr. Rivero." napangisi ako at kumain nalang ulit. Malay ba natin, baka maging sila ulit. Hindi naman natin masasabi eh. Hindi tayo ang may hawak ng araw at gabi.
Halos nakalahati ko na yung coffee, at naisipan kong painumin siya. Nagulat siya at napatingin sakin.
"What?" sagot ko sa kaniya at nakatitig lang siya. Umiling siya sa akin, ayaw niya ata. Pero pipilitin ko pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Sahia for three! | Ricci Rivero
FanfictionA story about a teenage girl who fell out of love, but regained it back by a famous basketball player in the Philippines. Kristine Jace Paraiso, 20 years old. MVP Volleyball player of the University of Cambridge. Decided to take a break from her str...