Pagalis nina Prince, Brent at Rasheed para kunin yung mga bagahe ni Jace. Naiwang magkasama si Ricci at Jace, na tila hanggang ngayon tahimik parin ang dalawa. Nagkatinginan silang dalawa at nagtanong si Jace.
"Sino mas matanda? Ikaw or si Rasheed?" tanong niya kay Ricci.
"Ah, si Rasheed pero buwan lang." ngiting sagot ni Ricci kay Jace.
"Oh, that's nice pala." ngumiti naman si Jace at tila nagkakahiyaan parin sila.
Saktong magsasalita pa sana si Ricci nang biglang dumating na yung tatlo.
"Tara na guys" aya ni Brent sa lahat, at naglakad na sila papunta sa parking lot.
Habang naglalakad, nasa likod si Ricci at Jace. Tapos nasa harap nila sila Brent na may dala ng mga bagahe.
"Jace." tanong ni Ricci kay Jace, na nagcecellphone.
"Oh?" sagot ni Jace na tinignan si Ricci.
"Saan mo gusto kumain?" tanong ni Ricci, ngumiti si Jace.
"Nako, huwag na. Okay na ako sa food sa bahay." nakangiting sagot ni Jace.
"Teka, sure ka Jace?" sagot ni Brent na humarap sa dalawang naguusap.
"Oo." tumango si Jace at nginitian si Brent.
"Jace, hindi marunong magluto yang si Brent. Wag ka nang umasa." pabirong hirit ni Rasheed kay Jace.
Tumawa naman si Ricci at Prince. Sinamaan sila ng tingin ni Brent. Naghands up naman si Ricci at kunwaring nagzip ng bibig.
Natawa si Jace sa mga kalokohan ng mga lalaking kasama niya ngayon.
"Okay lang, ako nalang magluluto. Gusto niyo ba?" nakangiting tanong sa apat.
Naghiyawan naman sila at nagapiran. Tumango si Prince kay Ricci, na parang nagbibigay na siya ng basbas nya kay Jace para kay Ricci.
"Pero..." biglang sagot ni Ricci, napatingin naman sa kanya ang lahat.
"Hindi ba masakit ulo mo or katawan?" sagot niya na ikinagulat nila Brent. Nilakihan siya ng mata ni Rasheed.
Nagtatakang tinignan ni Jace si Ricci, na parang may alam si Ricci ang nangyari sakanya.
"Hindi, ang pinapahiwatig lang ni Ricci eh baka may jetlag ka pa. Diba Ricci?" sagot ni Prince na binatukan si Ricci.
Tumango naman si Ricci, at tumango na tila nahihiya.Nang nakapasok na sila sa kotse, si Brent ang nagdrive at nasa tabi naman niya si Rasheed. Tapos nasa gitna si Jace, Ricci at Prince. Habang nasa byahe sila pauwi sa dorm nina Brent nagtext si Kib kay Prince.
From: Kikibon
Tol. Pasabi kay Brent, huwag uuwi. Hinahanap siya ng mga Hardsta Gang. Sinabi ko nasa Bicol dahil may project dun.To: Kikibon
Sige tol. Copy. Loko talaga yun eh, sige sige. Dun ko na papatulugin to sa dorm namin. Punta nalang kayo ni Aljun, pag may time kayo. Sinundo namin si Jace eh, dun nalang din muna samin. Ge tol.From: Kikibon
Sige tol, 'ngat."Brent, mag-uturn ka na." madaliang sagot ni Prince kay Brent.
"Ha? Bakit?" tanong ni Brent. Nagtaka naman ang lahat.
"Nagtext si Kib, andun daw sa dorm niyo si Jun, yung tiga Hardsta Gang. Kung gusto mo pang mabuhay, maguturn ka na." sagot nman ni Prince.
"Oh, shit. Sige sige." pagmamadaling drive ni Prince.
"Uh, bakit? Anong nangyari?" tanong ni Jace na nagtataka na sa nangyayari.
"Kasi yang pinsan mo, hilig magaya makipagaway. Ayun, hindi nya alam pinakaleader ng gang yung sinapok. Ayan, nagtatago sya ngayon." sagot ni Prince. Natawa naman si Jace, nagulat ang lahat sa pagtawa niya.
BINABASA MO ANG
Sahia for three! | Ricci Rivero
FanfictionA story about a teenage girl who fell out of love, but regained it back by a famous basketball player in the Philippines. Kristine Jace Paraiso, 20 years old. MVP Volleyball player of the University of Cambridge. Decided to take a break from her str...