Chapter 2

1.6K 31 1
                                    

Ricci Rivero's POV

Pagkauwi ko galing sa training, humiga kagad ako sa sofa, tutal 4am na. Pupunta ako kila Brent mamaya, kasi may bibilhin kami sa BGC. Wala naman na kami pasok; kaya pag walang training, nasa galaan kami nila Kuya at Brent. Exempted narin kami sa lectures dahil malapit na UAAP Season 80. Medyo nakakapagod ang training pero worth it naman lahat, lalo na pag nanalo. Iidlip muna ako saka ako magaayos ng mga gamit.

*caling BrentUtot*
ring... ring... ring...

Nakaidlip na ako, nang may tumawag sa phone ko. Tinignan ko yung phone, nakita ko na nag-missed call si Brent. Bakit kaya? Mamaya ko nalang i-message baka natulog din yun. Maliligo na muna ako, dahil tulog pa naman sila Kuya eh.

Pumasok ako sa kwarto at naghanap ng pwedeng susuotin. Naisipan kong maaga nalang pumunta dun sa dorm nila Brent, at dun nalang din magbreakfast. Kaya maliligo muna ako.

(Outfit ni Ricci)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Outfit ni Ricci)

Pagkatapos kong maligo, inayos ko lang yung iba kong damit at nilagay ko sa washing machine. Para paguwi ko, tapos na ako magsalang. Inunahan ko na si Kuya at Rasheed dahil medyo madami dami narin yung mga maruruming damit nila. Ewan ko ba sa dalawang yun, tinatamad lagi maglaba. Pagkatapos kong ilagay yung mga damit ko sa washing machine, umupo muna ako sa sofa at tinignan yung mga comments ng fans ko sa post ko kagabi.

Dorm is life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dorm is life. 🏀 Otw to training
@ricci06rivero
1,790 likes
280 comments

@ishirivero - ricci! ang pogi mo! ingat ka sa training!

@paraisorivero - grabe. kuya cci! 😍

@babymontalbo - cci! ingat sa training! goodluckkkk.

Nakakatuwa kasi madami din talagang tao ang nageeffort na pangitiin kami, lalo na pag pagod na galing sa training. Tapos minsan gagawa sila ng paraan para makita kami, nakakataba lang ng puso. Kasi hindi din naman namin 'to deserve, kumbaga pag naglalaro kami talaga, we play hard and make sure na 100% effort ang ibibigay namin.

Sahia for three!  | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon