Brent's POV
Nakahiga ako sa sofa nang biglang may nabasa akong text message na nagpakilabot sa akin..
"Salamat, pero hanggang dito nalang ako. Paalam" nang mabasa ko yung message, napatayo ako at saktong tumawag si Prince.
"Brent!! Si Jace! Nasaan si Jace?! Pauwi na kami tol!" sagot niya sa akin, at dun lahat nagsink in sa akin.
"Prince! Hindi siya pwedeng mawala. Shit! Sabi niya lang kanina pupunta siya ng mall! Shit! Tol! Gamit niya yung kotse mo! Hindi ko na alam! Bilisan niyo tol!"
"Sige! Tawagan mo siya o ipaalam mo sa mga Green Archers, baka sakaling nakita nila! Pauwi na kami! Hintayin mo kami sa dorm, sabay sabay tayong hanapin siya." sagot niya sa akin at naisipan ko kagad tawagan sina Ben at Thomas. Nang tumawag ako kay Ben, hindi daw niya alam kung nasaan si Jace. At nang matawagan ko naman si Thomas, sabi niya nakasabay lang daw niya sa elevator at pupunta daw ng mall. Shit. Hindi pwede to.
Sinubukan kong tawagan si Kib, pero hindi sumasagot. Si Drei naman, unavailable ang number. Tatry kong tawagan si Aljun..
calling AljunDakdak.
call accepted."Uy tol, bat napatawag ka?"
"Tol! Nasan ka?! Nakita mo ba si Jace?!"
"si Jace tol? Oo, nagkita kami kanina kasama ko pa nga si Kib eh. Andito kami ni Kib sa paayusan ng phone sa Mall. Bakit? May problema ba?"
"Oo gagu! Saan niyo siya huling nakita?!"
"Sa may tapat ng chatime tol. Sabi niya magkikita daw sila nung attorney ng Kuya niya. Yun lang."
"Anong oras yun?!"
"Gagu bat ka ba naninigaw?! Kanina pa yun! Ano ba kase nangyari?"
"Babalitaan ko kayo mamaya! Sige na mamaya na!" sagot ko at agad kong ibinaba ang tawag. Jace! Nasan ka ba?
Ilang beses ko nang tinatawagan ang number niya pero unavailable. Nagvibrate ang phone ko, binasa ko ang text galing kay Ricci ito."Tol, malapit na kami. Bumaba ka na. Kailangan natin siyang mahanap. Please
" sagot niya sa akin. Nang matapos kong basahin yun, nagmadali na kaagad akong bumaba at sumakay sa elevator.Nang makababa na ako sa ground floor, nilapitan ko si Kuya Ruel yung guard namin sa building.
"Kuya, nakita mo ba yung pinsan kong babae? Yung galing sa London?" pagaalala kong tanong kay Kuya Ruel.
"Ay ser, oho. Kanina po, gamit niya yung kotse ni Prince. Si Jace ho ba?" pagtatanong niya sa akin at tumango ako.
"Opo, yun po."
"Ay opo, kanina umalis siya." sagot sa akin at lumabas na ako ng building. Naghihintay ako dito sa may labas ng ilang minuto at dumating narin kagad yung kotse ni Tito Pao. Pagpasok ko, si Tito Pao ang nagdrive, katabi niya si Prince. Tapos kaming tatlo nila Rasheed ang andito sa gitna. Sila Tita at yung mga bata naiwan daw sa bahay.
"Ano? Hindi ba sumasagot si Jace Brent?" sagot sa akin ni Tito Pao na nagmamadaling umalis sa tapat ng building.
"Hindi na po Tito. Kinakabahan na po talaga ako." sagot ko sa kaniya at pinipilit parin naming tawagan ang number niya pero laging unavailable kung hindi naman unavailable busy.
"Makikita rin natin siya. Prince, kunin mo sa bulsa ko ang cellphone ko. Hanapin mo yung app na FindMe. Tapos hanapin mo sa favorites yung plaka ng kotse mo." sagot ni Tito Pao kay Prince na nagulat.
"Pa! Nakatrack lahat ng kotse namin?! Kelan pa?!" sagot ni Prince na hawak parin ang phone ng Papa niya.
"Ano ba Prince! Hindi ngayon ang oras para jan. Hanapin mo na sa favorites!" sagot naman ni Tito Pao. Kaming tatlo naman dito sa likod ay pilit paring kinocontact si Jace. Si Ricci nanginginig na sa takot, si Kuya Rasheed nagpapanic narin. Pilit naming kinocontact siya pero wala talaga. God, please huwag Niyo pababayaan si Jace. Samahan Niyo nawa po siya, nagmamakaawa po ako. Ingatan Niyo po siya sa mga panahong mahina siya. Please po.
BINABASA MO ANG
Sahia for three! | Ricci Rivero
FanfictionA story about a teenage girl who fell out of love, but regained it back by a famous basketball player in the Philippines. Kristine Jace Paraiso, 20 years old. MVP Volleyball player of the University of Cambridge. Decided to take a break from her str...