Chapter 23

730 16 0
                                    

Nakatulog ako habang nagaayos sila ng mga sapatos ko, hindi ko na kinaya eh. Nakatulog na talaga ako. Medyo stressful din kasi talaga today, kaya mas okay na yung nakatulog ako. Tsaka last day ko na tomorrow, magpupuyat na ako ng sobra sobra bukas para makapag-ayos ng gamit.

the next day..
6:30am

Nagising nalang ako nang biglang may kumatok sa pinto, napadilat ako at dahan dahang nagstretch.

"Bukas yan."

[Good morning Jace. Nagising ba kita?]

Shet. Si Ricci, nakasandal siya sa may pinto. May hawak na tray na may pagkain! Susme, hindi na ho ako makahinga. Napaupo ako nang lumapit siya sakin, dali dali kong tinignan kung may muta ako o ano man. Nakakahiya naman kung meron diba, syempre kailangan malinis tayo. Hahaha

"Hindi naman, oh ano meron? May breakfast in bed talaga?"

Tumango siya sakin habang nilalagay niya yung tray sa kama. Tumayo ako at nagpaalam muna sa kaniya.

"Wait lang ha. Bathroom muna ako, mabilis lang."

Ngumiti siya at tumango na, tumakbo na ako papasok ng bathroom at ginawa ko ang aking skincare routine. Kailangan super fresh ko pag lumabas. Haha.

After ko magtoothbrush, lumabas na rin ako kaagad at nakita ko siyang nakaupo na sa kama at naglalaptop. Shet. Baka makita niya yung mga photos ni--

[Wow. Ang cute ko dito ah! Jace, saan mo nakuha tong mga pictures ko? Hahahahaha!]

Shet. Wala na. Nakakahiya! Tumakbo ako kaagad at inagaw sa kaniya yung laptop. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Si Brent kasi yun, hindi naman ako nagsave ng pictures mo noh. Pakialamero ka rin pala noh." sagot ko kay Ricci at tumabi na sa kaniya. Nilapit niya sakin yung tray at ngumiti.

[Defensive masyado Kristine ah. Oh kumain ka na, nagluto si Kuya bago sila nagtraining.]

Napatingin ako sa kaniya. Oo nga pala, may training sila today. Eh bakit andito pa tong mokong na to?

"Eh bakit andito ka pa?" sagot ko sa kaniya habang hinihiwa ko yung pancake, masyadong pinaghirapan ni Prince ang breakfast, ang dami sobra tapos may strawberries pa at orange juice. Ibinaba ko ang tinidor saka ko kinuha yung phone ko at pinicturan yung food. Ang cute lang, nakakakilig haha.

Isusubo ko na sana yung pancake nang sumagot siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isusubo ko na sana yung pancake nang sumagot siya.

[Aalis ka na tomorrow so naisipan kong magpaalam kay Coach, babawi lang sana ako, since ang daming gulong nangyari. Pumayag naman si Coach, don't worry babawi ako tomorrow sa training then after nun hatid ka na namin. Payag ka ba? Na itreat kita sa labas?]

Nakatitig lang siya siya habang hinihintay akong sumagot. Sige na, pagbibigyan ko siya. Kawawa naman, nagabsent tapos irereject ko lang.

"Oo, sige. San mo ba gustong pumunta?"

Sahia for three!  | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon