Pagkalabas ni Ricci, halos ilang beses na tumunog yung cellphone ko. Tinignan ko ito at hindi nalang pinansin. Pinatay ko ang phone ko at nagpatuloy nang magayos ng gamit.
Hindi ko namalayan ang oras nang biglang may kumatok.
"Bukas." sagit ko habang nagaayos ng mga tshirts. Nakaupo ako sa lapag habang nagpapatugtog, bumukas ito at sumilip si Prince. Napangiti naman ako.
"Hello Jace, naaabala ba kita?"
"Hindi naman, bakit?"
"Pwede pumasok?"
"Oo naman, bakit hin--"
"Oh tara! Pasok na daw tayo!"
Nagulat ako nang biglang pumasok na silang apat. Nakangiti silang lumapit at may dalang alcohol drinks tsaka junk foods. Kinuha ko yung phone ko at tinurn on to. Ilang seconds lang bumukas narin kagad phone ko. Tinignan ko ang oras sa phone ko at saktong kaka-12am na pala. Umupo sila sa harap ko at tumingin sa mga damit na inaayos ko. Wuh! Buti nalang tapos na yung mga undies ko, nailagay ko na sa maleta.
Tumingin sa akin si Rasheed at ngumuso. "Ano tuloy ka talaga?"
"Oo, mabilis lang yun. Isang buwan lang, hindi nyo mamamalayan andito na rin ako kaagad." sagot ko at tumango tango naman silang apat na parang mga aso.
Sumabat naman tong si Brent at tinanong ako. "Hindi ba pwedeng dito k nalang magpagamot? I mean mas hindi hassle kesa dun na nagiisa ka."
"Sino nagsabing magisa ako?"
"Bakit hindi ba?" sagot ni Ricci sa akin na mukang nagtataka na.
Umiling ako at sumandal sa sofa. "No, nagusap naman na kami nina Jack. Nagkaayos na rin, ayoko na ng gulo. Kaya ako pupunta dun para magayos ng ibang gamit at pumunta sa doctor ko. That's it." sagot ko sa kanila at kumibit balikat nalang si Ricci.
"Ano, shot na!" sagot ni Rasheed habang nagbubukas ng Jack Daniels. Loko tong mga to eh, pero pass muna ako.
"Sige, go na. Inom na kayo. Panoorin ko nalang kayo." sagot ko habang nagsusuksok ng mga shirts sa luggage ko. Umiling si Rasheed at napakamot nalang ng ulo.
"Come on Jace. Minsan nagagamot ng alak lahat ng problema natin." sabat na naman ni Brent na kakashot lang.
I shrugged and laughed it off. "Hindi nagagamot ng alak ang problema, tinutulungan ka lang niya kalimutan ito pansamantala. At minsan mas lalo niyang pinapalala."
"Oo, umiinom ako dati. Pero ayokong idisrespect ang kuya at jake. Ayokong uminom habang silang dalawa nakalamay na." sagot ko sa kanila.
Nagulat ako ng sabay sabay silang apat na dinura yung mga iniinom at tinakpak na kaagad yung alcohol.
"Sabi nga namin, disrespectful nga naman talaga." saad ni Ricci na kunwari nagagalit sa mga kasama niya.
"Sino ba kasi nagaya uminom ng ganitong oras? Bastos talaga kayo eh noh." sagot naman ni Prince habang nililigpit yung mga baso na ginamit nila.
Natatawa ako sa mga to eh. Ang kukulit din talaga minsan. Tumahimik naman ang lahat ng biglang tumunog ang phone ko.
calling unknown number..
accept."Hello? Sino po sila?"
"Jace. Si ate Kristelle mo 'to."
"Ah yes ate. Why po?"
"I was wondering if baka pwedeng huwag ka na muna tumuloy sa London?"
BINABASA MO ANG
Sahia for three! | Ricci Rivero
FanfictionA story about a teenage girl who fell out of love, but regained it back by a famous basketball player in the Philippines. Kristine Jace Paraiso, 20 years old. MVP Volleyball player of the University of Cambridge. Decided to take a break from her str...