Chapter 10

910 15 0
                                    

Nagising ako nang naramdaman kong tumatama sa muka ko ang sinag ng araw. Napaupo ako at sinilip ang terrace, malinis na kaagad. Nang kukunin ko na yung cellphone ko, may nakita akong maliit na papel. Kinuha ko ito at binasa.

Jace. Sorry, hindi na kami nakapagpaalam. Medyo napaaga ang training namin ngayon. Pag may kailangan ka, text mo ko. Then yung susi ng car ni Rasheed andyan sa may desk. Sorry talaga, whole day training din kami today. Hindi ka naman ginising, hehe ;) Goodmorning nga pala. Message mo ko okay? -Brent

Napangiti ako at kinuha ko na ang phone ko na nagchacharge, naisipan kong magselfie at ipost ito.

Find your new toy, boy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Find your new toy, boy.
@KJaceParadise

Pagtapos kong magselfie, inayos ko ang kama at yung mga unan. Inayos ko ang buhok ko at itinali ito. Kinuha ko ang mga gamit ko pang-ligo at naligo na.
Ilang minuto lang at nakatapos na akong maligo, lumabas na ako ng bathroom at nagayos. Naisip kong maglugay nalang muna dahil basa pa buhok ko. Nagaayos ako ng bag at inilagay ko sa bag ko yung susi ng kotse ni Rasheed nang tumunog ang cellphone ko, inabot ko ito at nakitang tumatawag si Brent..

"Jace? Nagising ba kita?"

"Hindi naman, kakatapos ko lang maligo. Bakit?"

"Hingi sana favor si Prince, nakalimutan daw niya sa may living room yung powerbank ni Coach. Baka puwede padala dito sa court if wala kang ginagawa. Malapit lang naman jan sa dorm nila, kaso kasi bawal kami umalis. Okay lang ba?"

"Oo naman, sige. Wala naman ako gagawin eh. Pero baka mamaya magshopping nalang ako for Jake at Kuya paguwi nila."

"Ah sige sige, nabasa mo ba letter ko?"

"Oo, nabasa ko po. Haha!"

"Haha, ayos ba?"

"Hindi, haha." sagot ko kay Brent at nagsuot ako ng sapatos saka ako pumunta ng living room.

"Nasan ba dito powerbank?"

"Ay, wait.. Prince! Saan daw dun sa living room, tanong ni Jace! Bilisan mo gagu! Ahhh.. Sige! Jace? Dun daw sa may ilalaim ng tv nailagay ni Rasheed."

"Ah sige sige. Hanapin ko, tapos punta na ko kagad dyan." sagot ko habang papunta ako sa may tv. Hinahanap ko dito sa ilalim ng tv yung powerbank nang biglang may nahulog na isang polaroid. Hinawakan ko ito at nakita ko si Ricci na nakaakbay kay Bea at nakakiss naman si Bea sa cheeks niya. Ibinaba ko ito at binalik nalang sa ilalim. Hindi nalang ako nagpadala sa nararamdaman ko at tuluyan ko pang hinahanap ang powerbank.

Nang makita ko na ang powerbank ay kinuha ko ito at tumayo na. Pumunta muna ako sa kitchen at kumuha ng isang apple, nakita ko na namang may papel sa table. Kinuha ko ito at binasa.

Sahia for three!  | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon