Iniwan ko na si Ricci at Rasheed sa may labas ng kwarto at lumabas na ako ng dorm nila. Naglalakad ako ng bigla kong nakasabay ang isang lalake, nagkatinginan kaming dalawa at napangiti naman siya. Nagpatuloy na akong maglakad at naghintay ako ng elevator. At swerte ko dahil makakasabay ko siya. Andito lang siya sa may gilid ko at tahimik na naghihintay ng elevator. Nang bumukas ang elevator, pinauna niya ako at saka siya sumunod.
"Thank you." sagot ko sa kaniya at pinindot ko na ang ground floor.
"Ah, Thomas nga pala." sagot niya sakin saka niya nilahad ang kamay niya.
"Jace, Jace Paraiso." sagot ko naman at nakipagshake hands ako.
"Wait. Paraiso? Ikaw yung pinsan ni pango?" tanong niya at tumango naman ako.
"Woah, wait wait. Selfie tayo, okay lang ba? Ay wait. Don't worry, teammate ko si Brent sa basketball. Go ask him." nakangiti niyang sagot saakin, at nilabas na niya ang phone niya.
"Sige, selfie nalang tayo." nakangiti akong sumagot sa kaniya. Lumapit siya sakin at inakbayan ako, ngumiti kaming dalawa at nagpicture na rin.
Pagtapos naming magpicture, bumukas na yung elevator at nagpaalam na ako sa kaniya. Ganun din naman siya at nagmamadali ring tumakbo palabas.
Nakalabas na ako ng building nila, at naglalakad papunta sa isang convenience store dito sa baba ng dorm nila. Medyo madami dami paring mga students dito sa labas kahit 7PM na.
Naglalakad lang ako at may nakita akong mga fans nina Ricci at Kuya Prince.
Papasok na ako ng convenience store nang biglang may tumawag sakin..
"Ate! Ate Jace! Puwede po ba magpapicture sainyo?" pagtatanong niya sakin habang nakangiti siya. Lumapit ako at tumango.
"Sure, tara." lumapit ako sa kaniya at inakbay siya. Nakangiti ako sa camera at nakangiti rin siya. Yung pangalawa naming picture, wacky naman. Tapos after naman magpicture, sumunod naman yung kasama niya. Lumapit din ito sa akin at inakbayan ko rin siya saka kami kumuha ng picture.
"Thank you po Ate Jace!" sabi nila at kumaway sila sakin. At pumasok na ako ng convenience store.
Habang namimili ako ng snacks, ay biglang nagkagulo sa labas. Pagtingin ko, ang daming tao sa may pinto. Siguro may sikat na athlete dun sa labas. Papalapit na ako sa cashier at kukuha na sana ako ng pack ng cigarette biglang may nagsalita na naman sa likod ko.
"Kung ako sayo, huwag mong hahawakan yan." sagot ng lalaking nasa likod ko, pagharap ko sa kaniya nagulat ako at niyakap ko siya kaagad.
"Aljun! Uy!" sagot ko sa kaniya, nakangiti siya at binatukan ako.
"Hindi pa kayo umuuwi ni Brent sa dorm ha? Hinihintay na kaya namin kayo." sagot niya sakin at pinagtawanan ko siya.
"Oo na, uuwi na kami bukas. Bakit nga pala andito ka pa?" tanong ko sakaniya.
"May class pa ako hanggang 9PM. Hectic sched ko today eh. Whole day." sagot niya sa akin. At tinignan niya ako ng masama.
"Oh bakit?" sagot ko sa kaniya. Nakapamewang na siya ngayon.
"Naninigarilyo ka?" pagtatanong niya sakin at tumango naman ako.
"Woah, chill. I smoke lang pag stress. Don't worry mahal ko pa katawan ko noh." sagot ko sa kaniya. Tumango naman to.
"Ano, bibili ka ba ngayon?" sagot niya sakin at tumango naman ako. Hinatak niya ako at lumapit kami sa cashier, magbabayad na kami nang kausapin niya yung nagcacashier.
"1 pack ng cigar, Cho." sagot niya dun sa nagcacashier at tumango naman ito. Patagong nilagay nung lalaki yung pack sa plastic ko. Tinignan ako ni Aljun at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Sahia for three! | Ricci Rivero
FanfictionA story about a teenage girl who fell out of love, but regained it back by a famous basketball player in the Philippines. Kristine Jace Paraiso, 20 years old. MVP Volleyball player of the University of Cambridge. Decided to take a break from her str...