Chapter 17

652 15 2
                                    


Nang makarating kami sa dorm nina Kuya Prince nagising na rin ako kaagad. Pinark ni Brent ang kotse ni Kuya Prince at lumabas na kaming dalawa. Umakyat na rin kami kagad, bago dumugin tong si Brent. Pagakyat namin sa dorm nila, pumasok ako kaagad sa kwarto kung saan ako natutulog at naisipan ko munang maligo.

(outfit ni Jace with hat)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(outfit ni Jace with hat)

Pagtapos kong maligo, naisipan kong lumabas at magmall kahit may bagyo. Kailangan ko munang mapagisa at lumayo layo dahil mas marami pang stress ang dadating next week lalo na pag nakauwi na ang mga katawan ni Jake at Kuya. Lumabas ako ng kwarto at nakita kong nakaupo si Brent sa sofa habang nanonood ng tv.

"Brent, borrow ako ng car keys. Punta lang ako mall, I just need some time alone." sagot ko sa kaniya nang makita ko yung susi sa table. Napatigil siya at tinignan ako.

"You sure kaya mo na magisa?" sagot niya sa akin. At naalala ko na naman ang ginawa ni Bea.

"Nabuhay akong magisa. Babalik ako mamaya." sagot ko at umalis na ng dorm. Hindi na ako nagtagal dun, gusto ko lang talagang mapagisa. Pasakay na ako ng elevator at sasara na sana ang pinto, nang biglang may lumabas na kamay at pinigil ang pagsara nito.

Goodness. Isang anghel na naman ang iniluwa ng pinto. Si Thomas, nakangiti siya at pumasok narin kaagad. Tadhana, lagi mo ba talaga kaming pagtatagpuin?

Sumara na ang elevator at nakangiti siyang bumati sa akin.

"Hello Jace. San ka punta?"

"sa Mall lang. Gagala lang muna hehe."

"Oh sakto! Sabay ka na sakin?"

"No, it's fine. I just need some time alone muna."

"Everything is gonna be okay. There's rainbow after the rain. Tandaan mo yun." sagot niya sa akin at saktong bumukas naman na ang elevator.

"Well, alis na ako. Bye Jace!" sagot niya sakin saka bumeso at lumabas. Naglakad ako at pumunta narin kagad sa kotse ni Kuya Prince.

Sumakay ako at inilagay ko muna ang bag ko sa shotgun seat, inilabas ko ang phone ko saka ako nagseat belt. Nagsimula na akong magdrive, at lumabas na ng parking lot.

Halos ilang minuto rin na tahimik ang paligid at tila mga busina lang ng kotse ang naririnig ko nang naisipan buksan ang radio.

The sun is filling up the room
And I can hear you dreaming
Do you feel the way I do, right now?

I wish we would just give up
'Cause the best part is falling
Calling anything but love

And I will make sure to keep my distance
Say I love you when you're not listening,
How long, can we keep this up, up, up?

Ilang kanta pa ang narinig ko sa radio at nakarating na rin ako kaagad sa Mall. Naghanap muna ako ng parking bag ako pumasok sa loob. Hindi ganun kadami ang tao siguro dahil weekdays na rin naman ngayon. Naglibot libot lang ako at naisipan kong kumain ng ice cream. Naghanap ako ng stall kung saan makakabili ng ice cream.

Nang nakakita ako, pinuntahan ko ito at bumili ng ice cream.

"Hi. Isa pong caramel ice cream." reply ko sa babaeng nagtitinda. Ngumiti siya at nagscoop na kaagad. Binigay niya sa akin ito, nagbayad din ako kaagad at umalis narin kaagad.

Sa kalagitnaan ng paggagala ko, nakasalubong ko si Aljun at Kib. Nagulat sila nang makita ako, lumapit ako.

"Jace..." sagot sa akin ni Aljun at niyakap niya ako, niyakap ko na rin siya pabalik.

"Nakikiramay kami." sagot niya ulit nang kumalas ako sa yakap niya, ngumiti ako at niyakap din ako ni Kib. Tinatapik lang ni Kib yung likod habang yakap niya ako. Naalala ko si Kuya pag malungkot ako, ganun niya ako yakapin.

Nang makakalas na ako, ngumiti ako at inayos ang bag ko.

"Salamat. It means a lot." sagot ko sa kanila at tila malungkot parin sila.

"Guys, cheer up. Bakit nga pala gumagala kayo ngayon?" sagot ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila.

"Ah, wala kasi training ngayon. Naisipan naming gumala nalang, malay mo may mga chix dyan." sagot ni Aljun at natawa kami sa biro niya.

"Ay nako, asa ka pang meron dito." pangaasar sa kaniya ni Kib, sinungitan siya ni Aljun at hindi siya pinakinggan. Natawa ako at natawa narin sila.

"Eh ikaw, bakit andito ka? I mean, diba you should be resting kasi may sugat ka sa ulo tapos nabanat pa ni Bea" sagot sa akin ni Kib na ikinagulat ko, halatang nadulas lang siya sa sinabi niya at binatukan siya ni Aljun.

"Ha? Pano mo alam? Wait.. How?" sagot ko sa kanila at hindi sila kumikibo. Ayaw nila sabihin, well ako na bahala.

"You do guys know na black belter ako diba? Are you gonna tell me or not?" sagot ko sa kanila at napalunok naman si Aljun na halatang natakot sa sinabi ko.

"Okay fine, sinabi samin ni Ricci kasi galit na galit siya kay Bea. Yun. Yun lang. Promise." sagot sa akin ni Kib at tinaas niya ang dalawa niyang kamay. Tumango ako at napaisip. Nagaalala nga talaga sa akin si Ricci, pero hindi niya gaano pinapahalata.

"Ahhh. Ganun ba? Well, siya naman talaga ang mali." sagot ko at nagkibit balikat nalang. Ngumiti lang sila at tumango.

"Ano, may gagawin ka pa ba? Sama ka nalang saamin. Gala tayo." sagot sa akin ni Aljun. Umiling nalang ako.

"No, it's okay. Makikipagkita din ako sa attorney ni Kuya. He'll be here anytime soon." palusot ko at ngumiti ako, tumango sila't nagpaalam narin.

Tinawagan ko yung attorney ni Kuya, para maayos ko na rin yung ibang mga bagay bagay. Halos magiisang oras na akong gumagala sa mall, at wala pa namang nakakakilala sa akin dito. Mabuti naman.

Nakita kong nagrinig na ang phone ko, sinagot ko ito at nalaman kong andito na yung attorney ni Kuya. Pumunta ako kung nasaan siya, at sabi niya andun daw siya sa Starbucks.

Ilang minuto lang ay nahanap ko na kaagad ang Starbucks. Pumasok ako at nagusap kami. Medyo matagal tagal rin pala ang paguusap naming dalawa. May ibinigay siya sa akin na dalawang susi. Yung isa ay yung bahay kung saan sila naninirahan ni Jake at yung pangalawa ay yung apartment na dapat titirhan naming magkakapatid. Pero wala na.

Pagtapos ng aming usapan, nagpaalam narin siya kaagad at may kailangan daw siyang asikasuhin na mga papeles na naiwan pa ng aking Kuya. Pagalis niya, naisipan kong puntahan yung bahay na dapat titirhan namin. Lumabas na ako ng mall at pumunta na sa parking lot kung nasan ang kotse ni Kuya Prince.

Sumakay na ako at umalis na rin agad agad. Wala na ako sa katinuan nang makalabas ng parking lot at tila ang isip ko lang ay nasa kawalan. Bumyahe ako ng halos kalahating oras at nagpark sa isang malaking mamahaling tower. Nang makapasok ako ay lumapit kaagad ako sa front desk at ibinigay ang susi. May ibinigay silang mga papeles na iniwan daw ni Attorney. Umakyat na ako sa 27th floor kung nasan ang apartment namin. Pagpasok na pagpasok ko ay wala na akong ibang hinanap kundi ang terrace.

Bago ako lumabas ng terrace, nagtext ako isa isa kina Brent, Kuya Prince, Rasheed at lalo na kay Ricci. Pero iisa lang ang message na nakapaloob.

"Salamat pero hanggang dito nalang ako. Paalam"

At tuluyan na akong lumabas sa terrace.

-
End of Chapter 17

Huhu! Sorry sobrang sabaw netong chapter na to. Medyo may pagkaheavy kasi ang next chapter kaya sorryyyy! Babawi nalang ako hehe :)

No votes, no updates.
-Mara

Sahia for three!  | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon