Naglakad na kami ni Ricci papalapit sa kitchen, at naabutan namin silang kumakain na. Tumingin samin si kuya Prince ng nakakaloko, habang si Tita Abi naman ay nakangiti. Bale nasa harap namin si Prince, Brent at Riley. Habang sina Tita at Tito naman nasa magkabilang dulo ng table. May isang chair lang na free sa gilid ni Ricci. Sina Joshienne at Marleigh mamaya naraw kakain kasi nagayos sila ng gamit dun sa kwarto ko. May mga plano silang napagusapan tungkol sa paguwi nila. At habang nagkwekwentuhan sila, bigla akong tinawag ni Riley."Achi! Look at me, achi!" pangungulit sa akin ni Riley right before ko hiwain yung steak. Nilapag ko muna yung fork sa plate bago ako humarap sa kaniya.
"Yes baby? What is it?" nakapalum-baba kong sagot sa kaniya. Ngiting ngiti ang bata.
"Can we swim upstairs? Please." sagot sa akin ni Riley bago magsalita si Tita.
"Ay nako Jace anak. Kanina pa nangungulit yan kay Ahia. Eh ayaw naman ni Ahia dahil magaayos na siya ng gamit. Ang gusto niyan eh ikaw." napangiti ako sa sinabi ni Tita Abi. Tinignan ko muna si Ricci bago ako sumagot at tinanguan naman niya ako.
"Sige po, tita. Meron naman po yun heater kaya okay din po. Oh baby Riley ha, after we eat swim tayo okay?" nakangiti kong sagot kay Riley. Tumango naman ito saka umupo na ulit para kumain. Medyo naintindihan ko na yung nangyari dun sa tatlo, pero base sa itsura ni Ricci mukhang ayaw pa niyang pagusapan. Kaya kumain nalang kami ng tahimik, paminsan minsan sumasandal siya sa shoulders ko tapos hahawakan niya yung kamay ko. After naming kumain, nagaya kagad si Riley kay Tita Abi na magbihis. Habang kami sa dining room, naguusap usap lang. Nagbibiruan para mawala na rin yung stress nung dalawa. (Ricci, Brent) Hawak lang ni Cci yung kamay ko, bago ko naisipang magbihis.
"Tito, bihis lang po ako. Baka magyaya na si Riley eh." nakangiti kong sagot kay Tito Pao, tumango ito at tumayo narin ako kagad. Hawak hawak parin ni Ricci yung kamay ko kaya nung hahatakin ko umangal ang loko.
"Ihh, sasama ako sayo. Kahit dun lang ako sa pinto, I'll wait." he smiled at me. I nodded at him and waited for him to stand up.
Iniwan namin sina Brent sa dining, at naglakad na kaming dalawa paakyat ng hagdan. Napaka-harot niya ngayon, nangingiliti tapos mangaakbay din naman kagad. Naglalakd na kami ngayon sa stairs, nasa likod ko siya pero yung dalawa niyang kamay nakahawak sa waist ko.
"Grabe babe. Feeling ko ang ganda mo lalo pag suot mo yung jersey ko." pangungulit ni Cci sa akin. Natawa naman ako sa sinabi kaya kinurot ko tagiliran niya. Nasa harap na kami ng bedroom ko at tuluyan na kaming pumasok na dalawa. Naabutan naming naglilinis sina Joshienne ng cabinet ko. Naglakad ako papalapit kina Joshienne.
"Shienne, Leigh. Kumain na muna kayo. Mamaya na yan." nakangiti kong sagot sa kanila. Nginitian ako ni Marleigh bago niya hatakin si Joshienne palabas ng kwarto. Isasarado sana nila yung pinto nang magsalita si Cci.
"Ay. Huwag niyo na isara. Baka kung ano magawa ko dito kay Jace. HAHAHA." pangaasar ni Ricci dun sa dalawa, nanlaki naman ang mata ni Joshienne at Marleigh sa sinabi ni Cci. Binato ko siya ng unan kaya napatigil siyang tumawa.
"Kung ano ano na sinasabi mo jan. Tumahimik ka nga." inirapan ko siya bago ako kumuha ng two-piece swimsuit. Naglakad na ako papasok ng bathroom at hinayaan ko nang humilata si Cci sa kama. Ilang minutes din ang lumipas at tapos ko na suotin yung swimsuit ko. Tinanggal ko din yung makeup ko, kahit light makeup lang yun. Dahan dahan kong binuksan yung pinto at naglakad ako sa may dresser ko sa gilid ng kama ko. Nang marinig ako...
"Wooh, babe ha. Kanina ka pa." sagot sakin ni Cci kaya napatigil ako sa pagkuha ng pang-patong na shirt. Tinignan ko siya at nakita kong nakalipbite ang mokong.
"Hoy, tumigil ka jan babe ha. Umayos ka." pangaasar ko sa kaniya bago ko sinuot yung oversized shirt ko. Kinuha ko sa ilalim ng kama yung favorite kong slippers.
BINABASA MO ANG
Sahia for three! | Ricci Rivero
Fiksi PenggemarA story about a teenage girl who fell out of love, but regained it back by a famous basketball player in the Philippines. Kristine Jace Paraiso, 20 years old. MVP Volleyball player of the University of Cambridge. Decided to take a break from her str...