Chapter 12

781 16 0
                                    

"Okay! Nahuli na tayo ni Kuya Ricci, Riley! Haha!" sagot ko kay Riley na napadilat sa gulat. Uupo sana ako sa kama. Pero biglang BBOOOOMMMM!
Nakalimutan kong mababa lang pala tong kama, ayun nauntog ako. Sobrang lakas. Shet, nakakahiya ka Jace! Hay!

Pagkauntog ko, napasapo ako sa ulo ko at sobrang sakit. Nagulat si Ricci at Riley at tumakbo si Riley pababa ng kama at pumunta sa baba para tumawag ng tulong. Nakapikit lang ako nang maya maya naramdaman kong basa yung ulo ko. Dumilat ako at nakita kong may dugo na. Dahan dahan akong pinaupo ni Ricci sa lapag at kitang kita ko sa kaniya na nagpapanic siya.

"Shit! Ahh, pamunas. Ahhh san ba dito yung pamunas?!!! MAAAA! Si Jace!!!" sagot niya at natataranta pa rin. Biglang bumuka yung pinto at nakita ko yung Papa ni Ricci na may dalang pamunas at lalagyanan na may tubig, nakasunod naman si Tita Abi na dala ang first aid kit. Sina Kuya Prince nakatingin lang sa akin sa may pinto, tapos buhat ni Brent si Riley na umiiyak. Si Ricci, tumakbo na sa gilid ko at hinawakan ang kamay ko.

"Okay nak, isandal mo yung ulo mo jan sa unan ha? Pupunasan muna natin yung ulo mo okay?" sagot sakin ng Papa ni Ricci at tumango lang ako. Hindi naman ganun kasakit, pero ramdam kong tumutulo parin yung dugo.

"Ricci, anak. Kumuha ka ng tshirt at pamunas sa kwarto mo. Punasan mo muka ni Jace. Bilis." kalmadong sagot ni Tita Abi kay Ricci na natataranta. Tumayo siya at umalis na kaagad. Tumakbo siya palabas, at napatingin ako sa pinto. Nakita ko si Riley na umiiyak parin..

"Riley, Ate Jace is alright. Huwag ka na iyak. Please? Sige ka, hindi na gagaling si Ate Jace pag nagcry ang baby. Pag nagstop umiyak ang Riley namin, kakain tayo ice cream. Okay ba yun?" sabi ko sa kaniya na napatigil kagad sa pagiyak. Nagulat sila Brent at natawa. Napangiti ako sa kaniya at nagthumbs up. Ibinaling ko na sa Papa ni Ricci ang atensyon at pinupunasan niya yung sugat. Napatingin siya sakin at napangiti.

"Alam mo nak, this is one of the weirdest time na makikilala ko ang isang magandang babae. Haha, last time kong naramdaman yung ganitong feeling nung nakilala ko yang si Tita Abi mo. Nakita ko siya sa isang carinderia, naghahanap siya ng tinidor na dalawa lang ang tusok. Hahaha." sagot sa akin ng Papa nina Ricci, binatukan naman siya ni Tita Abi at natawa nalang din.

Dumating na si Ricci at umupo kaagad sa tabi ko. At pinunasan yung tumulong dugo sa may ilong ko. Tinignan ko siya at ngumiti ako. Alam ko na hindi pa ito ang tamang panahon para kunin kita sa nagmamahal sayo, andito lang ako lagi Ricci. Thank you.

"Anak, I'm Tito Pao. If mali man ako ng tahi sa ulo mo, pwede mo ako kasuhan ng demanda. Okay?" sagot niya sa akin nang nakangiti at tila inaayos yung pantahi sa sugat. Napalunok ako at nagsalita.

"Sir, pinapakaba niyo naman po ako eh." sagot ko sa kaniya at kinabahan na ako kaagad.

"Ano ka ba? Wag na sir. Tito Pao nalang, okay? RASHEED! Kunin mo yung malaking ilaw sa baba, bilisan mo. Tatahiin ko na to." sagot niya at narinig kong tumakbo na si Rasheed pababa. Tinignan ko si Tito Pao at inaayos niya yung thread pangsurgery. Napalunok ako at kinabahan.

"Uh Tito, malalim po ba yung sugat?" takot kong tanong sa kaniya at ngumiti siya sakin.

"Ah, hindi naman anak. Medyo lang, kasi base sa impact nung pagupo mo malakas. Kaya hehe. Tiis tiis muna anak ha? Sabihan mo ko pag hindi mo kaya at dahan dahan nalang nating tahiin okay?" nakangiti niyang sagot sa akin. Napangiti ako habang nanginginig. Maya maya pa ay dumating na si Rasheed at isinaksak na yung ilaw sa gilid namin. Tapos si Tita Abi naggugupit ng tape. Napatingin ako sa gilid ko at nakita kong malungkot si Ricci, tinapik ko siya at pinalapit pa sa akin. Nang nakalapit na siya, hinawakan niya kamay ko. Ngumiti ako at nagsalita kahit kinakabahan.

"I'm okay, ano ka ba? Malayo to sa puso." sagot ko sa kaniya, napailing naman siya at nagsalita.

"Malayo nga sa puso, nasa ulo mo naman. Edi wala rin." malungkot niyang saad. Napangiti ako.

Sahia for three!  | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon