TAGAYTAY I.
--
Naghanap ako ng matitigilan para magising ko si Ricci na tulog na tulog parin. Nakasandal lang siya sa upuan, tapos hawak niya braso ko habang tulog. Yung unan naman niya nakalagay sa may paanan niya tapos balot na balot ng kumot ang sanggol este Ricci pala. Hahaha. Ang cute niya tignan, sobra. Sobrang amo pala ng muka niya pag tulog, sana lagi nalang siyang tulog.Tinapik tapos ko na yung kamay niyang nakayakap sa braso ko.
"Ricci. Cci, gising na." tinatapik ko yung braso niya, pero hindi gumagalaw.
"Ricci, andito na tayo. Gising na."
"Cci, gising na." huling sagot ko sa kaniya at nagising na rin kaagad. Sa wakas, umayos siya ng upo at tumingin sakin.
"Sorry, sobrang antok ko talaga. Hindi ako morning person eh. Pero don't worry babawi ako mamaya." sagot niya habang nagstretching.
Nginitian ko siya at natawa nalang habang tinatanggal ko yung seatbelt ko. Lumabas na siya at lumabas na rin ako. Sinalubong ako ng malakas na hangin, kaya napatiklop ako at niyakap ko ang sarili ko nang magkasalubong kaming dalawa sa harap ng kotse.
Inilahad niya yung dalawang kamay niya na parang gusto niya na yakapin ko siya. Ngumiti lang ako at niyakap ko siya kagad. Sinandal niya yung baba niya sa ulo ko na parang ayoko na siyang pakawalan. Ilang segundo lang yung yakap moments na yun tapos kumalas din kaming dalawa kaagad. Nakakakilig lang pag may ganung biglaang moments. Lalo na ngayon, super biglaan netong Tagaytay Trip na to. Unexpected moments are truly the best.
Tumakbo na ako papasok sa loob ng kotse, at sinuot ko na kagad yung seatbelt. Ganun din siya, pero kinuha niya ulit yung kumot at pinaghati niya saming dalawa.
Ngumiti lang ako at sumandal na sa upuan, habang siya naman ang nagdadrive. Ang sarap sa feeling ng ganito, super chill lang. Nawawala lahat ng iniisip ko, nakakapagpakalma sakin yung ganito.
Ilang minuto lang ang lumipas, at yung tugtog lang sa radio ang maririnig sa buong byahe. Tinignan ko si Ricci na busyng busy sa pagdadrive, at nang makita ko yung kalsada sa labas, paakyat sa isang malaking daan yung kotse at papasok kami sa isang malaking bahay. Mukang bahay nila to eh, laking ngiti niya ng makita ang bahay.
Nagpark siya sa labas neto at lumabas siya kaagad ng kotse. Tumakbo siya sa pinto kung nasan ako nakaupo at binuksan to kaagad. Tinanggal ko lang ang seatbelt ko at kinuha ko na kaagad yung bag ko. Naglakad kami sa malaking pinto at may sumalubong saming 2 matandang babae. Nginitian ito ni Ricci at hinawakan ang kamay ko.
"Goodmorning Sahia. Nakahanda na yung lunch niyo, halika. Kumain na kayo. Ang haba din ng binyahe niyo. Hija, tara?"
"Goodmorning din po Manang Jenny, pasensya na po naabala namin kayo ah. Short notice po. Ay si Kristine nga po pala, Kristine Jace. Pinsan ho ni Pango."
BINABASA MO ANG
Sahia for three! | Ricci Rivero
FanfictionA story about a teenage girl who fell out of love, but regained it back by a famous basketball player in the Philippines. Kristine Jace Paraiso, 20 years old. MVP Volleyball player of the University of Cambridge. Decided to take a break from her str...